Mismo sa sarili ko ay nahihirapan nito dahil may mga iba't ibang paraan talaga para magkamali ka sa iyong sinusulat lalo na yung pangongopya o plagiarismo. Kamakailan lang, nagdesisyon ako na magsiyasat ng mga bagay na aking isusulat at ilagay ang mga pinagkuhanan nito para walang sinumang tao ang tatanong sa akin o sa mga impormasyon ko.
"Ang intensyonal na pangongopya ay isang aksyon na nagrereprensenta sa mga salita, mga ideya o mga datos ng ibang nagmamay-ari na walang direktang pagpapakilalan o rekognasyon sa may-akda sa paraan ng kotasyon, reference o footnote. And sinasadyang pangongopya ay nangangahulugang na ikaw ay gumagamit ng mga salita na sa iba nanggaling at wala man lang papuri sa kung ino ang nagsabi nito. Ito ay isang uri ng pagloloko sa larangan ng alituntunin na kung saan ang isang nakakataas ay puwedeng maghatol ng naaayun na parusa." (BYU-I website)
Image credit
Ang intensyonal na pangongopya ay madali lang ipaliwanag: pumunta ka sa isang website, pindot pindot at kumuha ng isang konteksto at inilagay sa iyong gawang papel.
Sa pasuslat sa iyong papel, mag-ingat kung saan mo kinukuha ang iyong mga impormasyon at dapat ilagay ang mga pinagkuhanan sa gawa. Kapag may isang bagay na sa pangkalahatang kaalaman at walang siguradong pinagkuhanan nito kung saan ito kinuha, may posibilidad na matatawag itong pangongopya.
Ang aking suhestyon sa iyo, dahil dapat ko itong gawin, ugaliing magsiyasat ng maigi para makakuha ng mga pagkukuhanan ng impormasyon na idadagdag sa iyong gawa. Nagsimula na akong gawin ito sa mg gawa ko sa kadahilanang lahat ng tao'y may iba't ibang kaalaman.
Bakit ito mahalaga?
Ang pangongopya ay isang krimen. Kagaya sa isang unibersidad, kung saan puwede kang masuspende kapag ikaw ay napatunayan na nangongopya o kaya di kana makakapag-aral. Isa pang puwedeng mangyari ay maaari kang mapagkilanlan na masama at di kana matatanggap sa kahit anong unibersidad. May mga seryosong hatol tungkol sa ganitong bagay.
Image credit
Ang plagiarismo o pangongopya ay hindi patas sa kahit sino. Binibigyan nila ng malaking oras at kakayahan ang paggawa ng impormasyon. Hindi ka dapat kumukuha ng puri sa gawa ng iba.
Ibang impormasyon para sa pagbibigay pagkilala
Maraming tao ang nakakalimot sa mg bagay na maliliit kagaya nito, ngunit maaari silang magkamali sa pagongopya.
- Mga larawan
- Mga digital na larawan
- Musika
- Mga graph
Kahit anong bagay na nauugnay sa mga.bagay na nakalista sa taas ay matatawag na pangongopya.
May mga bagay na di na dapat isaad kung saan nanggaling. Karaniwan na kaalaman ang tawag sa mga ito. Mga petsa ng mga pangyayari, makasaysayang pangyayari ay di kailangan ipakilala kanino. Kahit anong madali lang hanapin o alam ng lahat ay di kailangan ipakilala.
Ang pinakamainam na bagay na gawin ay ang paglagay sa pinagkuhanan ng impormasyon o kung saan ito nanggaling. Natuto na ako sa aking karanasan kaya mas maigi ng ligtas kaysa sa huli na ang lahat. Kaya isiwalat ang mga pinagkuhanan mo ng impormasyon.
Image credit
This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.
you r the great boss
Woq..nakakatulong tlaga to...
Palawigin ang wikang Pambansa..
Upvoted. Resteemed...!
Upvoted. Resteemed..
Ganyan talaga ang buhay online, maraming mangongopya kasi less lang ang effort na kelangan kesa naman mag-iisip pa sila kung ano ang isusulat o gagawin. Kaya kakaunti lang ang mga pinoy na innovators kasi nasasanay na sa pangongopya o kaya mag-aantay lang ng mga naunasa kanila tapos kokopyahin lang yung tinatawag na strategy para kumita. Nice post for spreading awareness.