Pinagkunan ng Larawan:
"Watawat ng Pilipinas"
@spreadyourword
Mula sa malupit na kamay ng mga banyagang sumakop
Na sa atin ay umalipin at trumato na parang hayop
Ngunit ating mga bayani ay hindi sumuko na lumaban
Para sa ating ipinagkait na karapatan
Kanilang puso ay nag-aalab
Sapagkat katapangan ay naglalagablab
Hindi nag-alinlangan kahit buhay man maging kapalit
Dahil pagkatapos ng ulan ang bahaghari ay ating makakamit
‘di sumuko sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan
Para ang kalayaan ng bayan ay tuluyang makamtan
Hindi nagtagal ang paghihirap at sakripisyo ay tuluyang nagbunga
Sa pagkagapos mula sa sakim na banyaga tayo ay lumaya
Ang ating tagumpay ay tuluyang naipasakamay
Watawat ng Pilipinas ay muling naiwagayway
Kailanman ay ‘di magsasawang magbigay pugay
Sa kulay puti, pula, at bughaw
At sa tatlong bituin at isang araw
Sapagkat watawat nati’y kailanma’y hindi kukupas
Mabuhay bayang Pilipinas sa panahong lilipas
kay inam na tula
maraming salamat po sa pagsali
good luck po
Maraming salamat po! Ikinagagalak ko po na sumali. Sana nga ay manalo :)
sulat lang po ng sulat :)
Gagawin ko yan at sasali ako ng sasali :)