Katuparan ng Sarili
By: Rina
Noon lagi kong ikinukumpara
Ang sarili ko at ang kalagayan ng iba
Iniisip ko na hindi makatarungan
Ang mundong aking ginagalawan
Bakit ako? Ang laging tanong ko
Mabibigat na problema ang laging pasan
Bakit ang buhay nila ay masaya
Samantalang ako ay puno ng pagdurusa
Para maibsan ang sakit na nadarama
Nagpapanggap ako na mas angat sa iba
Pero bawat gabi sa aking higaan
Isinisigaw ko ang sakit na nararamdaman
Naduwag ako sa katotohanan
Lahat ng mali sa buhay ay tinakpan
Huwad na ngiti at kasiyahan
Para maiba kunwari ang kalagayan
Subalit ang pag-unawa ay dumungaw
Para bang maliwanag na sikat ng araw
Napagtanto ko sa sarili ang bagay-bagay
Napatunayan ang halaga ng buhay
Tumigil ako sa pagkumpara
Sa sarili ko at sa buhay ng iba
Binuksan ko ang aking mga mata
Bawat isa pala ay may bigat na dinadala
Higit na pag-unawa sa mundong ito
Ang magbibigay ng saya sa kalooban
Dapat lang isipin na sa bawat pinagdadaanan
Marami kang matututunan at dagdag kaalaman
Salamat po :)