Ating bigyang pugay ang di matatawarang kabayanihan
Na buong pusong ipinaglaban
Makamit lang ang minimithing kasarinlan.
Ilan sa mga natatanging sundalo na buong tapang na isinulong ang kalayaan.
Kaya sa kanila tayo ay dapat magdamdam ng pasasalamat na kahit kailan ay di man malilimutan.
Napukaw ang natutulog na diwa ng sambayanan.
Isiniwalat nila ang labis na pangaabuso at panglulupig
Mula sa mga dayuhang manlulupig.
Na nagpalaya mula sa impluwensya at panlilinlang ng mga dayuhan.
Ating tunay na pahalagahan
Ang sakripisyong itinaya ng mga dakila
Matamasa lang ang tunay na kalayaan at kagalakan.
Na may buong pagmamalaki at pasasalamat.
At mga kinabukasang natuldukan,
Ang ala-ala at kalayaan na ipinagkaloob nila sa bayan
Ay buong buhay na maaalala at mamumutawi sa puso't sa isipan na ibinabandira sa timog silangan.
Ako ay nagagalak na magsumite ng aking katha patungkol sa ating natatanging Watawat ng Pilipinas. Salamat @jassennessaj sa pagpili mo sa temang ito. Pagpalain tayong lahat at Mabuhay ka.
wow isang tula para sa mga kabataang Pilipino
maraming salamat po sa pagsali
good luck