Credits: https://goo.gl/images/5Q7iWu
Huling Sayaw
na di ko kailan may maisasantabi,
Ay nang ipinagtagpu ang mga kilos nating
Tinugtog ng musikang katangi tangi.
Sa Araw na iyon ay tila dininig na ng tadhana
na magtambal tayo sa natatanging sayaw,
na buong buhay koy di malilimutan ang istilo't paggalaw.
Tila'y nakaukit na sa puso't memorya,
Ang yung sandali na puno ng emosyon na nagpatingkad sa yaong araw.
Nagdikit ang ating dibdib at mukha,
ramdam ko ang lapit ng yung hininga na lumupaylay sa di ko mawaring paghinga.
Mali-mali na ang kumpas,
Indayog na walang tamang bigkas,
Ito'y dahil sa damdamin ng pagkagalak at saya na sa wakas ang pangarap na binulong kay Bathala'y dininig na.
Kaya sa ating Huling Sayaw
Hayaan mong ako ang magdala,
Na kahit sa sayaw man lang
Totoong damdamin ko sayo'y buong buhay mong maalala, sinta.
Tunay ang aking pagkagalak sa ganitong mga klasing patimpalak na naglalayong isulong at pagyamanin pa ang wikang Filipino. Ito'y sa kabila ng kadalasang paggamit natin ng wikang Ingles sa platapormang ito ay bagkus nagkakaroon pa rin tayo ng pagkakataon na maipakita ang natatanging yaman at ganda ng ating sariling wika. Kaya sa lahat ng Steemian, atin pang tangkilin ang wikang atin di lang sa mga pagkakataong ganito kundi sa lahat ng pagkakataon na pwede nating maipamalas.
Kaya tunay na salamat ang nais kong iparating at mabuhay ka, Pilipino.
Naiisip ko sa tulang ito na yung binata gustong-gusto nya yung lalaki kaso nga lang wala syang lakas ng loob. Na umabot sa puntong pamali-mali na siya. TIpikal na torpeng binata.
Goodluck po sa patimpalak!
Pers blood sa patimpalak! Ginalingan kagad mahihirapan si pinuno sa paghuhusga nito 😂
Congratulations @nielfid! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP