Naranasan mo na ba,
Na malunod sa bumabahang problema?
Sa lalim at lakas ng agos di ka makahinga
Nasuong ka rin ba sa gubat ng suliranin?
Sarili mo'y parang sa mga leon inihain.
Dumadating ba sa buhay mo,
Ang pagsubok na parang nagliliyab na palaso?
Isang daan ang bilang tumutusok sa puso
Walang maisipang mabisang sandata
Kundi ginawang panangga ang sariling luha.
Nakatikim ka na ba,
Ng pait na bunga ng pagkabigo?
Parang lasong kumalat sa katawan mo
Inuubos ang natitirang lakas na nasa iyo
Humina ang pag-asa, isip mo'y tuliro.
Subalit kaibigan,
Lahat nang mga ito ay may hangganan
Tulad ng panahon, tumitila din ang ulan
Tiisin ang lahat, lawakan pa ang pananaw
Humugot ng lakas sa pangarap mong tinatanaw.
Nadadarang ka man,
Sa naglalagblab na apoy ng pagsubok
Laging alalahanin, "Ang ginto may sinusubok
Dinadaan sa apoy upang madalisay
Nang upang malaman kung ito ay tunay!"
Kaya huwag mabalisa,
Ramdam man ang nakakapasong init
Dala ng pagsubok sa iyo'y gumigipit
Sa Dios magtiwala, huwag sa patalim kumapit
Hintaying maigi ginhawang, tiyak na sasapit!
Ito po ang aking entry para sa patimpalak na inanunsiyo ni kabayang @jassennessaj sa link na ito: https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-10-pagsubok-or-tagalog-edition
Maraming salamat po!
==========V=0=T=E==F=O=R===========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
=========S=T=E=E=M=G=I=G=S=========
Much love, God bless!
Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration!
Curation Collective Discord Community
Curation Collective Discord communityIbinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng , binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.This post was shared in the #pilipinas channel in the for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Maraming salamat po sa mga ganitong pagtulong @c-squared
Isa po itong karangalan..salamat po.
@scalphead would you like to explain why you downvoted my post?
The language i used was Filipino and I stated the source of the picture from where I got it. I don't see any plagiarism either.
sobrang damang dama ko to! Keep inspiring @nantzjbalayo
salamat po @nikkojimenez..
Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Post | July 29, 2018.
thank you so much po.... =)