Word Poetry Challenge #22: Pag-asa

in #wordchallenge6 years ago

IMG_20181117_092531.jpg

"Pag-asa"

Landas na tinahak ay hindi tiyak
Tinatanong sa sarili "ako bay nagagalak?"
Sa desisyong 'di pinag-isipan ng lubos
Sana oras na natitira'y hindi kapos

Sa mga araw na akala ko ako'y tama
Sa mga gabing isinisisi sa mga magulang "sila ang may sala"
Sa panahong mas itinuring ko pang pamilya
Mga kaibigan kong tinuring na ngayo'y wala na

Maling desisyon araw-araw kong pinagsisihan
Hanggang ngayon hindi ko pa nababayaran
Lahat ng sakripisyo nila'y di ko man lang iginalang
Ngayon ko lang napagtanto ang aking pagkukulang

O ina pasensya na
At iyong anak ay napariwara
'Di ginusto ang pagdala sakin ng panahon
O ang bilis nagpadala sa maling alon

Ako'y patawarin ama
Bigyan sana ninyo ako ng isa pang pag-asa
Upang mapatunayan na kaya ko pang
Ako'y maipagmamalaki ninyo sa tuwina

Inaamin ko ako ay naging marupok
Pinatunayan ko noon na ako ay nalugmok
Nagmatigas ang ulo, pinatigas ang puso
Sa inyo na dapat ay minamahal ko

Totoo nga at ako'y nabulag sa kadiliman
Ngunit 'di na babalik doon kailanman
Sapagkat ako ay may naaninag
Sa dilim ay may liwanag

Ngayon ako'y malapit nang makapagtapos
Unang hakbang sa pag-iiba ng agos
Pangarap kong masuklian ng lubos
Hayaan n'yo akong maging kaagapay sa anumang unos

Ina, ama, simula ngayon ako ay manunumpa
Na iaalay ang buhay sa inyong dalawa
Kulang na kulang pa ang nagawa ko sa ngayon
Ngunit aking sarili ay hinahamon

Na lahat ng gagawin ay para sa inyo lamang
Bilang sukli sa pag-aalaga at lahat
Mamahalin kayo ng lubos at
Pagtatakpan ang mga nagawang kalat

Pramis peksman 'di na kayo bibiguin
Mga pangarap n'yo sa akin, akin nang aabutin
Salamat sa lahat ng pagtitiis sa akin
Ngayon panahon ko naman para kayo ay pangitiin


         Magandanag araw! Ito ang isusumite kong entry para sa paligsahan ng tula na pinamunuan ni @jassennessaj. Maraming salamat sa inyong oras! At sanay inyong nagustuhang ang munti kong katha 😀

Sort:  

Congratulations @mildredamit! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You published more than 20 posts. Your next target is to reach 30 posts.
You received more than 2000 upvotes. Your next target is to reach 3000 upvotes.

Click here to view your Board of Honor
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

To support your work, I also upvoted your post!

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Hi @mildredamit. Congratulations!

You've been featured by @steemph.cebu on our Daily Feature of Authors #37. You've chosen as the top best blogs of this day. With that, you've enjoyed the benefits for being featured.

Continue to post more quality content having #cebu & #philippines as part of your tags.