Word Poetry Challenge #23 ; Balik-tanaw

in #wordchallenge6 years ago


"Balik-tanaw"

Nag-iisa man ngayon sa isang sulok
Natatangi'ng ikaw ang laman ng aking paghihimutok
Tila ba puso'y mayroon'g karayom na nakatusok
Na dulot nito'y sakit at kirot


Pikit mata ko'ng nasilayan
Bumungad sa isip ko ating pagmamahalan
Ang tamis sa unang tagpuan
Na naghatid sa dalawang puso sa harap ng altar


Balik tanaw ko ang bawat tunog ng orasan
Nang papalapit na ang oras ng ating kasal
Kaba man ang nararamdaman
Sapagkat di magandang panahon nakisabay din na man


Kasabay ng ang ating kaligayahan
Ang bawat hampas ng hangin at ulan
Hindi alintana ang kahit anong bagyo pa man
Sa dalawang pusong nag-iibigan


Ako ngayo'y napahagikhik sa tawa
Nang akin muling naa-alala
Paglalakad ko sa altar na napaluha pa
Sa isip ko huling araw na pala ng aking pagka dalaga


Pagbabalik tanaw sa bawat pahina
Kahit ano man ang gamiting kataga
Kay sarap balik-balikan ang kwento ng simula
Mananatiling naka baon sa aming diwa


Ito po ang aking original na akda sa patimpalak ni Ginoong @jassennessaj. Sa hindi man sinasadyang pagkakataon, sa buwang ito ang selebrasyon ng aming ika-4 na taong pagsasama.

Mga ka steemians patuloy po nating suportahan ang ganitong uri ng patimpalak.

Sort:  

Congratulations @mhelrose! You received a personal award!

Happy Birthday! - You are on the Steem blockchain for 1 year!

Click here to view your Board

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!