Tagpuan
Galing sa Unsplash.com
Minsan may mga pagkakataong sobrang sabik ka pumunta sa tagpuan. Pero ang tanong: yun ka-tagpo mo, sisipot kaya? Sayang ang effort at masakit ma-injan.
Ilang ulit nang nilakad itong sampung-kilometrong daan.
Sa bigat ng bawat hakbang, parang ayoko ng ilaban.
Kayang magtiis kung siguradong may ligayang laan.
Ikaw. Paulit-ulit na lang, ang tagpua’y walang laman.
Sa pangakong lugar, umagos ang luha pagkat,
Sa huli, humantong tayo sa pagwawakas ng lahat.
Sino kaya ang nakaisip at humatol na di dapat?
Hindi ata kailanman pagibig ay maging tapat
Sa tagpuan, ako’y sana makalimot.
Minsan naman ikaw ang ayaw makipagkita. Tapos ang masaklap - for some reason, wala kang choice. I-wish mo na lang na ma-LBM yun taong iniwasan mo.
Isang mahabang kalsada na kayang tahakin kahit pikit.
Ikaw ay sa akin nilalapit ang nakabaong mga hinanakit.
Maisip ang iyong mga sinabi na hindi mawawaglit,
Itinatanim mo sa aking puso - mga poot at pasakit
Binalikan mga dating araw, saya ay ating kaakbay.
Kasalukuyang dinala nang mapait na lumbay.
Tadhana ata nagdigta na dalawang puso’y maghiwalay.
Mabuting magkalayo tayo nang habang-buhay.
Sa tagpuan, ika’y huwag magpakita.
Pero meron din sigurong pagtatagpo na parang meant-to-be? Yung pang-cheesy na romance movies ang estilo. Individually magkaibang-magkaiba, pero pag magkasama, nabibigyang ng mas magandang kulay.
Ilang ulit nang nilakad itong Isang mahabang kalsada,
Sampung-kilometrong daan Na kayang tahakin kahit pikit.
Sa bigat ng bawat hakbang, Ikaw ay sa akin nilalapit.
Parang ayoko ng ilaban Ang nakabaong mga hinanakit.
Kayang magtiis kung Maisip ang iyong mga sinabi.
Siguradong may ligayang laan Na hindi mawawaglit.
Ikaw. Paulit-ulit na lang Itinatanim mo sa aking puso,
Ang tagpua’y walang laman Mga poot at pasakit.
Sa pangakong lugar, Binalikan mga dating araw,
Umagos ang luha pagkat Saya ay ating kaakbay.
Sa huli, humantong tayo sa Kasalukuyang dinala -
Pagwawakas ng lahat Nang mapait na lumbay.
Sino kaya ang nakaisip? Tadhana ata nagdigta,
At humatol na di dapat Na dalawang puso’y maghiwalay.
Hindi ata kailanman Mabuting magkalayo tayo.
Pagibig ay maging tapat Nang habang-buhay,
Sa tagpuan ako’y, Sa tagpuan ika’y
Sana Huwag
Makalimot Magpakita
Ito ang tula na nais kong ilahok sa patimpalak ni @jassennessaj. Pasok ba itong akda ko? Hehe. Hahayaan ko na lang si hurado @blessedsteemer ang magdesisyon dyan 😅 Sana mapagbigyan, unang beses pa lang ako sasali.
Naisip ko ang konseptong pagsamahin ang mga tula dahil na rin sa temang "tagpuan". Kumbaga "pinagtagpo" ko ang dalawang tula upang makabuo ng panibago. Dahil sa kumplikadong istraktura, aminado ako na medyo hindi pulido ang bawat mga salita. Pero pinush ko na din itong kakaibang estilo para makasubok ng bago.
Shoutout din kay @johnpd na nagpa-alala sa akin na marami pang paraan upang laurin ang isang sulatin, gaya ng ginawa nya sa kanyang tula. Salamat lodi.
Update po. Andito ang mga listahan ng mga nagwagi para sa patimpalak na ito. Medyo nakakalungkot at hindi pinalad na mapili ang aking akda para sa isa sa pitong nanalo. Pero natuwa na rin po ako sa kumento at suporta ng mga naging kaibigan ko na dito sa Steemit. Mabuhay kayong lahat at maraming salamat! 💖
Ito ay orihinal na commissioned art
Emosyon - Marubdob. Dama ko ang bigat sa bawat linyang nabasa. Saan galing ang hugot na ito sis. May pinagdadaanan ba? haha
Istilo - Napakahusay ng konseptong pagtagpuin ang dalawang magkaibang tula. Dalawang sitwasyon at emosyon, pero nang pinagdugtong, naging isa! Parang dalawang taong nagmamahalan lang din, magkaiba man sa maraming bagay, ngunit sa huli, nagtatagpo rin. Cheret!
Masaya ako at nakabasa ako muli ng iyong obra. Sana ay mas dalasan mo naman. 😄
Yo, sis Maine. Salamat sa palagiang suporta. Napasubo ako slight sa hugutan, inabot ako ng 6am kakaisip. Pero nakaraaan na yun. Haha.
Tama nga din interpretasyon mo sa tula, pero personally, mas ayos yun ka-sync kesa magkaiba.
Hey there @jazzhero my main man
Bin a while broda
Appreciate you dropping by, brother. Been mostly focused on local language content these days 😅
But I'll be exploring Steemit more often now. Don't want to miss your awesome music.
I see you've taken it to another dimension, and it's enviable.
Keep it up brother n thanks for your support
Ano to tito @jazzhero? Bakit may ganitong mga drama. Ang galing. Tula sa loob ng tula na tula. In short tulala. nyahahah okay waley ang joke ko @lingling-ph at @junjun-ph kayo na ang bahala dito.
Ui, okay yang joke na yan, na-aliw ako. Haha. As usual, si Jampol ang root cause ng lahat 😂 yung gawa nyang tula ang nabukas ng pinto para jan sa konsepto.
Salamat sa suporta, Toto 😊
huwaw! lodi ka talaga @jazzhero napakalupit ng ginawa mo. (may gagayahin na naman ako) nyahaha! grabe! hangang hanga talaga ako. 🙌🙌🙌
Salamat, lodi 😁. Nabanggit ko naman sa akda na ikaw din talaga nagpaisip sa kin sa konsepto na yan. Cool yan na marami tayong nakukuhang mga justu galing sa iba't ibang mga manunulat. Hehe.
Alam mo naman na lagi ko din inaabangan ang yong mga kakaibang gawa 😎
Pagbasa mo ikaw ay mapa-wow! talaga sa ganda ng tula mo @jazzhero. Maraming salamat sa pagbahagi. mabuhay ka.
Nakakatuwa at nagkaron ng impact ang pakulo ko. Maraming salamat sa pagbabasa at suporta, Fherdz. 😁
kakaiba ang storya ng inyong gawa, dalawang gustong mangyari pero pinag isa. kakaiba talaga, sana'y makagawa ako ng unique na tula.haha nice one
Salamat sa pagbabasa 😊Napagkatuwaan ko lang ang kwento at format hehe, pero hinango ko ang inspirasyon jan galing na rin sa ibang mga akda sa loob at labas ng Steemit. Gaya ng recent na tula ni @johnpd.
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
You guys rock! And happy to be part of the team 🙌
At tumigil ang mundooooo. Ayos to pero bakit parang ang sakit hahaha
Salamat, Dy. Dami ko nga ulit nahalungkat na hugot jan hahahaha. Hindi bale, naitulog ko na, pag gising ko wala na ulit lol.
uwian na may nanalo na
sasali dapat ako
ayaw ko na
bakit ba kasi minsan ka lang magpost boss @jazzhero
Hi Beyond, salamat. Alam ko naman mas marami ka alam na pakulo, labas mo na yan hehe.
Bakit nga ba minsan lang ako magpost? Minsan busy talaga. Madalas tamad lang. 😂
more more more post from boss @jazzhero.. more
Kakaiba mga litanya sa akda na to at kakaiba mga banat mo ginoong @jazzhero.😊 salamat sa paglahok.😊
Ui, salamat ginoong hurado 😊 Salamat sa pagtangkilik ng akda.
Ang daming magagaling na manunulat ang lumahok. Madugong proseso yang paghuhurado sigurado.