Word Poetry Challenge #14 : "Realisasyon" | Tagalog Edition | Win STEEMs!

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag panibagong edisyon ng "Word Poetry Challenge" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain.

Ngayon, nasa ikalabing-tatlong edisyon na tayo ng naturang paligsahan na may panibagong tema para sa inyong mga entries.

"Realisasyon"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada linggo para mas kapana-panabik para sa mga Pilipinong nais makilahok.

Panibagong Tuntunin : Upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga Steemians na manalo sa naturang paligsahan, ang mga nanalo bilang Champion at 1st runner-up sa Word Poetry Challenge #13 ay pwedeng magsumite ng kanilang entries (na bibigyan ng upvotes), ngunit bilang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang Steemians na manalo, ay hindi pwedeng hirangin sa paligsahan ngayon.

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Realisasyon"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para sa patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Realisasyon". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Alituntunin | Panuntunan

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #14 : Realisasyon"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog.

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makilahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

WP Tagalog.gif

Gantimpala

Winner - 5 STEEM

1st runner-up - 3 STEEM

2nd runner-up - 2 STEEM

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong September 2, 2018 at 11:59 p.m. (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa September 3 , 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay ako : @jassennessaj


Maraming Salamat sa Sponsor ng Paligsahang ito

@donkeypong

At kay @surpassinggoogle na patuloy na sumusuporta sa mga gawa ng mga makatang Pinoy.

Kailangan ko ang inyong Suporta para sa Pagpapatuloy ng Patimpalak na ito :

  • Kung nais ninyong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala). Sana i-upvote ninyo ang post na ito.
  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email ijassenn@gmail.com

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

WP Tagalog.gif

Sort:  

Aking kapatid ito po ang bukod tangi kong entry. Maraming salamat sa paggawa ng paligsahan.
https://steemit.com/wordchallenge/@brapollo29/word-poetry-challenge-14-realisasyon

Magandang umaga po.. Ito po ang aking ilahok para sa edisyong ito. Salamat po. https://steemit.com/wordchallenge/@chameh/word-poetry-challenge-14-realisasyon-b41b995cf4bf8