Word Poetry Challenge #13: PILIPINAS

in #wordchallenge6 years ago (edited)

image

PILIPINAS

Pilipinas ay aking bayan
Ito na ang aking kinagisnan
Ako ay isang tunay na Pilipino
Kayumangi ang kulay ng balat ko


Binubuo ito ng maraming isla
Ito'y nasasakop sa kontinente ng asya
Tanging tinaguriang perlas ng silanganan
Islang ang kay gandang pagmasdan


Pitong Libo,Isang Daan at Pitong Pulo,
Isang bansang maliit na parte ng mundo
Ngunit ang lalaki ng puso ng mga tao dito
Natatanyag sa mundo ang talino at gandang Pilipino


Nakatira dito ang iba't ibang katutubo
Sa bawat islang nasasakop nito
Ngunit isa lang ang nasa puso
Respeto at pagmahal sa kapwa tao


Maraming magagandang tanawin
Masaganang likas na yaman ay nasa amin
Dahilan para maraming bumibisita
Mga Touristang galing sa ibang bansa


Sa lahat ng aking kababayan
Ang Pilipinas ay ating pahalagahan
Hindi lang para sa sariling kapakanan
Kundi para sa kabataan na s'yang pag-asa ng ating bayan


Kahit anong pagsubok na dumating
Sama-sama natin itong haharapin
Sa mga dayuhan ay 'wag magpaalipin
Para di masayang ang sakripisyong ginawa ng mga bayani natin


Lahat tayo ay taos pusong sisigaw
Sa Luzon,Visayas ka man o sa Mindanao
"Ako ay Pilipino! Mahal ko ating bansa
At kailan ma'y hindi ko ito ikakahiya"


Maraming salamat po sa pagbabasa nitong aking akda. Hanggang sa susunod...

image

Sort:  

Ang lakas maka-makabayan ng tulang ito. Napakahusay!

Hahaha..maraming salamat sa maganda mong kumento Madam. Very flattering.

By the way, bakit hindi ka na nagsubmit ng iyong mga akda? Inaabangan ko lagi ang ilalahok mo.