"Word Poetry Challenge #17". Tema : "Guro"

in #wordchallenge6 years ago

"Word Poetry Challenge #17". Tema : "Guro"

Ang pag-iisip at pangunawa ko'y mosmos*
Naliwanagan ang mga desisyon kong padalos-dalos*
Sadyang tinandaan ko lang ang kanilang mga utos*
Pag-aaral koy aking nairaos*
Matagal-tagal din ang ating pagsasama*
Alang kung sa bawat araw ay pagod na pagod ka*
Minsan may mga kakalase pa akong mahirap makasalamuha*
Mahirap turuan, minsan din kayong napaluha*
Ngunit pusoy mo po ay dalisay*
Pagtuturo ng tamang asal at tamang landas ang siyang pakay*
Mga kinakailangan ihanda na mga buhay*
Yan ang mga bagay na nagbigay kulay*
Alam nyo ma'am at sir iba sa inyoy di ko na tanda
Mula baitang una, hanggang nag-kolehiyo si kuya
Marami na kasing taong nakilala
Ngunit ang mga turo at aral ninyoy nasa ala-ala
Kayo ang rason kaya akoy ganito ngayon
Mabait, masipag, mapagmahal at may takot sa panginoon
Marangal, makatao, may respito ako po iyon
Marahil ang inyong mga turo ay di ko limot hanggang ngayon
Ma'am at sir mabuhay po kayo
Alam kong tulog nyoy minsan di sapat
Alam kung kaibigan niyo'y puyat
Kasa-kasama mula umaga sa lahat
Ma'am at sir nasa kamay niyo po ang kapalaran
Susi sa pag asinso ng mga kabataan
Salamat mula sa puso na inyong dating mag-aaral
Ako'y lubos na nagmamahal
Sa lahat nag gurong hangad
Magandang kinabukasan ay mailahad
Maipakita sa kabataan ang hinaharap
At daan tungo sa mga pangarap

brapollo29

"Salamat mga Sir at Ma'am"

img

Sort:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.