Philippine Poetry and Song Contest #1, "Matanong nga Kita."

in #wikang-filipino7 years ago

21146466_1445724168852947_1493066260_o.jpg

Matanong nga kita? Minsan ba ay nagawa mong maging masaya sa pagsunond ng kagustuhan ng ibang tao para sa iyo? Para sa ikakabuti mo daw ito. OO. Pero sa totoo lang masaya ka naman ba sa ginagawa mo?

Tanong ko lang. Natanong mo na ba sa sarili mo kung ito nga ba ang para sa iyo? Malamang hindi. Kasi nga yung gusto nila ang nasusunod hindi ba? Pero minsan naisip mo ba? Paano kung nanjan lang sa tabi ang mga bagay na gusto mo pero may mga pumipigil pa din sayo.

Natatakot ka ano? Natatakot ka na baka talikuran ka ng mga taong mahalaga sa iyo pag pinili mo ang gusto at hindi ang kagustuhan nila. Natatakot kang iwan nila sa ere dahil baka sa huli malamang mong tama pala sila.

Bakit? Nasubukan mo na ba? Nasubuukan mo na bang sundin ang bagay na makakapagpasaya sa iyon at ang bagay na kinagugusto mo? Hindi pa naman diba? Bakit ka matatakot?

Sinubukan mo na bang isatinig na hindi iyon ang gusto mo? Madalas kasi kailangan mo lang ang magsalita para mapakinggan. Masyadong maingay ang mundong ito at kailangan mo lang ng lakas ng loob para marinig ang salitang pilit tinatago ng puso mo.

Susubukan mo naman di ba? Magtiwala ka lang. Makakaya mo iyan. Dahil sa unag pagkakataon magagawa mo nang sundin ang ninanais ng puso mo. Ang kasiyahan mo.

At kung magkamali ka naman ayos lang naman iyon hindi ba? Dahil kahit papaano sinubukan mo. Dahil kahit papano sinubukan mong makamit ito.

21146632_1445691182189579_419592637_o.jpg

Hind ka naman magsisisi hindi ba? Hindi man matagumpay ang pagkamit mo kahit papaano alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo makamit lang ito.

Pero sigurado akong magtatagumpay ka. Dahil nagawa mong talikuran ang bagay na gusto nila para sa bagay na makakapagpasaya sayo. Isang malaking hakbang na iyon para sa pagbabago ng takbo ng buhay mo.

Dahil kagaya ng isang ibon magagawa mo din lumipad. Magagawa mo ding magkapaglakbay patungo sa lugar kung asaan kasiyahang iyon. Dahil sa likod ng nararamdamang pangamba at takot na baka mawala lang ang lahat ng pinahigrapan mo ay ang kalayaan at kasiyahan sa puso mo.

Matanong nga kita. Magagawa mo naman diba? Kaya mo yan di ba? Ako nga nagawa ko. Ikaw pa.

Sort:  

Good Job! But na lang di ka nagmana sa Tita mo :)

Tama ka kaibigan, walang mangyayari kung di ka magsasabi at walang makakaalam ng iyong nararamdaman kong ito ay itong itatago. Wag mong itanong sa sarili mo kung kaya mo ba, datapwat kayanin.

wala naman po kasing mawawala kung susubukan :)

Tama kaibigan

Salamat po

Would you believe if i say..i ask her to write anything for the contest???
And she came out with this? I cannot!!
Thanks Terry.

ay graviti. . salamat din pooo!

@surpassinggoogle speaks English Peng.

oh. thank you then! :)

And include the member's name when replying..otherwise masisingitan with other comments..then lost in translation.

hinde kaya ng tita ninet mo yan lolssss
Go Peng!!!

di talaga lol!...ni vote nag di marunong :)

If u can see the $ sign..click that. It will show u a bar on how much % u wanna vote the post for.
Like am using 10% for comments, then 20% and up to the actual post.
Sanayan lang insan.

not working..clicked the up vote by mistake instead

Yon nga ang upvote insan.

Tama po. Kailangang sumubok para malaman, kailangan ng tapang upang sarili'y mapagyaman. Mabuhay! :D

Boom na boom to. ah! haha.. I feel it lol. Sabi ko sa sarili ko diko kaya. Hindi ko tlaga kaya . Iwan ko lang kung sa susunod na mga araw kayanin ko na. sana nga.

ay grabe naman po diko inexpect na ganyan magiging impact ng gawa ko. pero salamat po :)

Napakaganda. Salamat sa iyong gawa @pengrojas!

Best of luck, kabayan!

maraming salamat @jassennessaj. ibinahagi ko lang naman ang nasa isip kong ng mga oras na iyon :)

Dapat lang. Hindi bale na magsisi tayo sa ating ginawa kesa sa magsisi sa mga hindi ginawa.

nasa tao na din naman iyan @pjmisa nasa kanila na kung kaya nila o hindi.

Congratulations @pengrojas! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!