Mata, Anong Iyong Nakita?
Sa mga matang malamlam, naninilaw.
Isang araw na naman ba ng kalbaryo,
O papalarin ang hamak na tulad ko?
Nang masilaw sa araw na nangangalit.
Sa malamig na pader, lalong dumikit
Di alintana ang ginaw o ang init.
Kahit naliliyo't kumakalam ang t'yan.
Munting kartong aking pinagbaluktutan,
Nagsisilbing gabi-gabi kong tahanan.
Nasusuklam ang mapanghusgang lipunan
Sa murang isipan, aking napagtanto
Tila walang bahagi ang mga paris ko
Kamatayan lamang ang tanging kaaway
Binansagang hamog, pobre at palaboy
Di nila batid, puso ko'y nananaghoy
Karton, bote't papel aking pasan-pasan
Upang paglubog ng araw sa kanluran
Ako naman ay manlilimos sa daan
Aking hanap ay lugar na tutulugan
Tumambad sa'king nagpupungay na mata
Ang sementadong patag sa eskinita
Di mapakali, puso ko'y dinadaga
Nakapikit ngunit antok ay malayo
Diwa ko'y naglakbay sa buwan ng Mayo
Ang sa akin ay tumanggap ng masugid
Ako ay nagulat sa aking napuna
Sa parang na yaon, di ako mag-isa
Sa munting katawan kong naghihikahos
Sumama sa ihip ng hangin ang hirap
Nagliwanag karimlan ng 'king pangarap
Tungkol sa Tula
Isinusumite ko ang piyesang ito na pinamagatang "Mata, Anong Iyong Nakita?" sa Unang Pilipinong Patimpalak ng Tula at Awit ni @jassennessaj. Minarapat kong huwag isalin ang aking nagawang tula sa Ingles upang mapanatili ang kagandahan ng mga salitang aking ginamit. Ipagpaumanhin po ninyo! Ngayon pa lamang ay binabati ko na lahat ng lumahok at mabuhay ang wikang Filipino!
Ang aking ginawang tula ay nabibilang sa pasalaysay na uri ng tula. At ito'y binubuo ng sampung saknong na may apat na taludturan at aking ginamit ang lalabindalawahing sukat na may 12 pantig bawat taludtod.
Orihinal kong akda ang tulang mababasa sa itaas. Huwaran ko ang batikang manunulat na si Jose Corazon de Jesus o mas kilala bilang Huseng Batute. Inspirasyon ko din sa pagsulat ng tulang ito ang layuning maipakita ang kahirapan na nararanasan ng Pilipinas sa ngayon. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang Pilipinas lalo na ang lungsod ng Maynila ay kakikitaan ng mga naghihirap na komunidad. Nais ko lamang pagbigyang diin ang mga kabataang namulat sa ganitong kalagayan; hindi nakakapag-aral at hindi natutustusan ang pang araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, damit at tahanan. Hindi nararapat ang ganung uri ng buhay para sa kanila subali't hindi naman nila napipili kung kaninong magulang sila maipapanganak. Nakakalungkot mang isipin ngunit marami sa mga batang ito ang lumalaki ng walang patnubay ng magulang at may ilan ding hindi na umaabot sa karampatang gulang dahil sa malnutrisyon, droga, karahasan at iba pang sanhi ng maagang paglisan. Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa aking naisulat na tula, mangyari lamang mag-iwan ng komento sa ibaba.
About the poem
I'm submitting this piece entitled "Eyes, What Did You See?" in the Philippine Poetry and Song Contest #1 initiated by @jassennessaj. I intended to not translate to English the poem I made to preserve the beauty of the words I used in creating it. I am deeply sorry! I'm congratulating all the contestants and long live the Filipino language.
The form of my poem is classified as narrative poetry and it's composed of ten stanza of quatrain or four lines each. The measurement I used for the poem is the twelve measurement which counts 12 syllables in each line.
The poem above is an original composition. Jose Corazon de Jesus or more known as Huseng Batute is my model in poetry. I was also inspired to write this poem by aiming to show the current poverty experienced in the Philippines. It is not a secret to many that a lot of poor Filipino communities are located in the Philippines especially in Manila City. I just wanted to emphasize the children who are raised in this kind of environment: no education and isn't provided with everyday necessities such as food, clothes and home. They don't deserve this kind of life but they can't choose which family they will be born into. It's really saddening that a lot of kids are raised without parental guidance and some who doesn't reach maturity because of malnutrition, drugs, violence and other reasons for early death. If you have any questions about my poem, kindly post them on the comment section below.
Napakaganda! <3 I sense something on this. Salamat sa entry @krizia!
Best of luck :)
Maraming salamat din @jassennessaj! I'm really glad you started this contest! Cheers to the success of this movement.