#ulog: Paano magluto ng ginisang upo, halina at tikman

in #ulog7 years ago

IMG_20180520_120128.jpg

Aking ipinagmamalaki ang sarili kong lutong ulam na patok sa pamilya. Ang ginisang upo na masustansya at masarap! Simple lang naman ang pagluluto sa masarap na ulam na ito. Una ay piliin ang mga preskong sangkap upang lubos na malasa ang inyong lutong ulam. Paano nga ba ang pagluluto nito? Eto ang aking sikreto:


IMG_20180520_105138.jpg
IMG_20180520_110934.jpgMaghanda ng sibuyas, bawang at kamatis para sa paggigisa.


IMG_20180520_105149.jpg
IMG_20180520_110942.jpgBalatan at hiwain sa maliliit na bahagi ang upo tska itabi.


IMG_20180520_110950.jpgHugasan at gayatin ng kwadrado ang karne ng baboy na pansahog tska itabi.


IMG_20180520_111307.jpgIgisa sa katamtamang apoy ang sibuyas at bawang hanggang sa mamula ito.


IMG_20180520_111625.jpgSunod na igisa ang karne ng baboy hanggang sa maula ang laman nito.


IMG_20180520_112219.jpgsunod na igisa ang kamatis hanggang sa humiwalay ang balat nito.


IMG_20180520_105236.jpgito talaga ang nagbibigay ng kakaibang lasa at sarap sa ginisang upo. Ito ang alamang na hipon. Igisa ito kasama ng kamatis. lagyang ng tubig kung kinakailangan upang hindi masunog ang ginisa.

IMG_20180520_112741.jpg


IMG_20180520_113127.jpgIhalo ang ginayat na upo sa ginisa at takpan hanggang sa lumambot at maluto.

IMG_20180520_113708.jpgTaktakan ng paminta at pampalasa tska timplahin kung kinakailangan.


IMG_20180520_115627.jpgLuto na ang napakasarap at napakasustansyang ulam. Ipaibabaw sa mainit na kanin at siguradong mabubusog ang buong pamilya!

U5drZa7TwitHto3w5f3XcY34C5D25vd.gif