Last Augost 11, 2018 biglang bumalaga ang baha dito saaming baranggay Malanday Marikina. Hindi ko akalain na madadaanan kami ng baha. First time ko makaranas ng baha na umabot sa loob ng bahay. Na halos tumaas pa hanggang sa ikalawang palapag ng bahay namin.
Naglalaba pa ako ng mga oras nayun. Yun pala dumating na ang habagat at nagsisimula na bumaha dito sa lugar namin. Sa awa ng dios hindi naman kami na pahamak hanggang hagdanan mga tatlong hakbang nalang bago umabot sa ikalawang palapag ng bahay.
Kawawa yubg ibang bahay na walang taas ang bahay. Eto po yung kuha ko nung gabing mataas na ang baha tapat lang nang bahay namin. Halos umabot na sa buong bahay yung baha.
Eto po yung loob ng bahay namin na pusok agad ang baha na hindi namin naiakyat lahat ng gamit. Pati mga halaman ko nasira dahil sa baha.
After ng baha nag iwan ng mga basura at putik.
Nakakalungkot yung nangyari pero lahat kami bumagon sa nangyaring sakuna. Habang naglilinis ng mga gamit at mga iniwang dumi ng baha nakangiti parin ang bawat isa saamin na prang walang nangyari.
Kamusta ka naman na @ashlyncurvey?? Nag comment pa ko sa ulog #25 mo na sana hindi kayo inabot ng baha. Alam ko kasi most parts ng Marikina binaha raw. Ganyan talaga ang Pinoy. Babangon at babangon yan kahit ilang beses pa madapa.Busy ka na yata d narin kita masyado mahagilap dito sa steemit. Ingat lagi.