Tula # 6: Para sayo ito Anak

in #tula7 years ago (edited)


Para sayo ito Anak


Nang ikaw’y ibinigay ng Diyos sa amin,
Ang tuwa’t saya namin ay hindi malihim,
Sa akin at sa iyong ina’y isa kang gantimpala,
Kaya’t sa paglaki mo’y ikaw sana’y mabuting bata.


Sana anak sa iyong paglaki,
Kumain ka ng maraming gulay sa bahay,
At wag kalimutan ang gatas na aming bigay,
Para ito sa iyong masagana’t malusog na buhay.


Sana anak sa iyong paglaki,
Mag-aral kang Mabuti, wag tatamad-tamad,
Pumasok ka ng maaga, wag tatamad-tamad,
Upang kinbukasan mo’y maging maunlad,


Sana anak sa iyong paglaki,
Magbigay ka ng respeto sa mga babae,
Mahalin mo at ibigin ng tama,
Upang mahalin kang mabuti at dakila.


Para sayo ito Anak, Mga payong tagos sa puso,
Wag mo sanang kalimutan, dapat tandaan,
Mahal na mahal ka ni ina’t ama, aming malusog na anak,
Aming mabuting anak, Vladimir Bennett ang pangalan.

Sort:  

nice one ka migoy.

salamat bai.

As in, dalia ra sa panahon ba, Dako na. 😊😊😊