Naalala ko pa nung una kitang nakita,
Nasa pinto ka at dala-dala yong guitar,
Nag-iingay, Sumisigaw akala ko kung ano,
Kumakanta kalang pala ng “HARANA”
Lagi kanang pumupunta sa isip ko,
Ano ba ito, nalilito na ako
Dahil ba ito sa nakita ko?
O, baka na "love and first sight" ako sayo.
Araw – araw, gusto na kitang Makita,
Araw – araw, kumakabog na ang puso ko,
Araw –araw, namumula na ang mukha ko sa ngiti mo,
Ito pala ang pag-ibig na sina sabi nila,
Pag-ibig na pumapatay ng isip.
May nagsabi sa akin na sa plaza ka raw.
Dali-dali akong pumunta, dala- dala ko ang maganda kung guitar.
Ngumingiti at kinikilig na iniisip ka.
Nagulat ako sa nakita ko,
May kasama kang iba, may syota kana pala.
Tumulo ang luha at natulala.
Sabi ko sa nadudurog na puso ko,
Kung mahal talaga kita,
Hihintayin kita hanggang sumapit ang umaga.
Ang pag-ibig ko sayo ay totoo
Ang pag-ibig ko sayo hindi maglalaho
Maghihintay ako magpakaylanman
Hihintayin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Oh! The only love poem that I wrote took the perspective of a guy who deliberately hurt his lover. A total opposite from yours. More poems please.
Right in the kokoro....T_T