Sinulat lang sa Papel (karugtong ng tula ni @fherdz)

in #tula7 years ago (edited)

basahin nyo muna ang tulang ito bago ang tulang nasa ibaba

Aking irog, ikaw ang buhay ko
kulang ako kung wala ka sa piling ko
Ang iyong ngiti na nag-aalis ng aking pagod
Sa maninging mong mata ako'y napapahinuhod

Iyong bungisngis ay musika ng aking kaluluwa
Sa tinig mong buo takot ko'y nawawala
Buhok mong nakakahalina sa bango
Kapayapaan sa napapagal na puso

Kay kinis mong mga kutis at kamay
Pumapawi ng aking tamlay
Sa galing mong pumustura
Kahit sino'y mapapanganga

Hirap at ginhawa ako ay iyong karamay
Bawat hakbang tayo ay magkaakbay
Aking irog di kita iiwan
Bagyo at lindol man aking sasamahan

Sinta ko hayaan mong ibigin kita
Ang gugulin ang natitirang buhay na kasama ka
Kahit sa malayo ayos na
Dahil ikaw ay pag-aari na ng iba

Mahal kita, ibubulong na lang sa hangin
Magkakasya na lang sa nakaw tingin
Bakit hindi sinabi noon pa ang damdamin
Pinigil ang busilak na pagtingin

Sana ay binigay sa iyo ang tulang ito noong may pagkakataon pa
Hindi sana nadugtungan ng panghihinayang at dusa
Marahil di na mababatid ang damdaming siniil
Sayang! bakit sinulat ko lang lahat sa papel

139.jpg

pinagmulan

Sort:  

@tagalogtrail. Para po ito sa biglaang kolaborasyon ikalawang edisyon :)

Nakakalungkot naman ito @beyonddisability , kaya habang may pagkakataon wag sasayangin. Habang binabasa ko ang tulang ito nararamdaman ko ang bawat salita. Ito ay ginagawa na may kasamang "feelings". Magaling ka talaga!

Tama damang-dama ang hugot ni @beyonddisability dito ang galing!

poem twist mula sa tula ni G. @fherdz. Maraming Salamat po @rodylina

Walang ano man

Naku! sayang na pagmamahal.. wag sayangin ang pagkakataong sabihin mahal mo siya. hugot ba? hehehe, galing @beyonddisability

ito ang aking idinugotng sa iyong tula @fherds. kaya kung sinuman siya...sabihin mo na :)

Ay sad 😭 😭 torpe si kuya!

Mahal kita, ibubulong na lang sa hangin
Magkakasya na lang sa nakaw tingin
Bakit hindi sinabi noon pa ang damdamin
Pinigil ang busilak na pagtingin

Grabe iba ang tindig balahibo feels nung tula. Ang galing!


Pag ibig na hindi masabi kaysakit sa damdamin!

mas oki ng mabasted kesa manghinayang :). Marami pong salamat @filipino-poetry

marami pong salamat muli @tagalogtrail

oh aking irog iniibig dn kita charot hhHHHa ang galing naman nito @beyonddisability

huhuhuhuhu-got 2018. Maraming salamat po @rojellyannsotto

We recommended this post here.

We are Discover Steem, if you like our work consider giving us an upvote. :) If you don't wish to receive recommendations under your posts and to be recommended, reply with STOP.