Ang buhay ng tao ay sadyang mapaglaro
Minsan magulo na hindi mo alam kung saan patungo.
Kailangan mong sumakay sa agos ng buhay.
Hindi mo alam ang mangyayari subalit kailangan mo'y maging matibay.
Ako ay isang babaeng madaming pangarap.
Ginagawa ang lahat para pamilya nagsisikap.
Kinakaya kong ang lahat upang magandang buhay ay malasap.
Ng aking masilayan kanilang ngiting kumikislap.
Sa likod ng aking mga magagandang ngiti.
Merong luhang nagkukubli.
Na kahit kailan man hindi ko masabi.
Pilitin ko man sa aking labi ay mamutawi.
Itong taon na ito ay puno ng hamon.
Problema ay mula pa noong nakaraang taon.
Isang malubhang sakit sa kapatid ko ang dumapo.
Paningin ay nasira at tuluyan ng lumabo.
Sabi ng doctor dulot ito ng bakteriya
Impeksyon mula sa pagkakapuwing ng ng kaniyang mga mata.
At ito ay tuluyan sisira sa kanyang Cornea.
Kung di maagapan siya ay tuluyang mabubulag na.
Labis ang sakit na aking nadama.
Naisip ko ay paano ang kanyang pamilya.
Dalawa kong pamangkin ay sadyang musmos pa.
Paano na kung hindi na makapagtrabaho ang kanilang ama.
Sabi ng doktor ito ay may alternatibong solusyon.
Ito ay gagamutin sa loob ng mahabang panahon.
Nagbigay ng reseta para kanyang mga gamot.
Presyo naman nito ay sadyang nakapanglalambot.
Ngayon siyam na buwan ay lumipas na.
Hindi parin tuluyang magaling ang kanyang mga mata.
Pinayo ng doktor ito ay ipaopera.
Tuluyan ng tanggalin at palitan ang kanyang Cornea.
Suliranin namin hindi pa rin natatapos.
Gustuhin man namin sa pera kami talaga ay kapos.
Operasyon ay lubhang mahal kami'y walang itutustos.
Sa haba ng panahon sa gamot niya ay gumastos.
Aming mga kamaganak ay magtutulong tulong na.
Mairaos lamang ang opersyon ng aking kuya.
Ang dalangin ko lamang donor kami ay makakita.
At magkaroon ng sapat na pera pampaopera.
Naisulat ang tula gamit ang aking dunong.
Nagbabakasakali kita nito ay makatulong.
Sa maliit na paraan gusto ko itong ipalaganap.
Baka sakaling may makatulong donor ay aming mahanap.
Ano mang pagsubok ng aming pamilya.
Hinaharap namin ito ng sama sama.
At sa awa ng diyos amin namang kinakaya.
Gagawin ang lahat para kay kuya.
Please upvote resteem and follow
Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant, @jerrybanfield and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.
I am grateful for that and for everyone who has helped me and my friends.
Be strong Ai and keep your faith in the Lord. Praying for your Kuya's immediate healing.
kayaaaaa mo yan!!!
@originalworks