You don’t need to travel the world to see how beautiful our life is, sometimes you’ll see the beauty of everything in a place that is only near you - just feel how you feelin! 😄😄😄😄
#VeniceGrandCanalMall#Taguig#Philippines
Parang ako ka rin ba?
Yung gusto mo magpunta sa Italy pero wala ka sapat na budget para mara makapunta dito? Umaasa ka rin ba na maglagay ng mga love locks sa love lock bridge kasama ang inyong partner ngunit masyadong malayo ang Italy para sa inyo dalawa. Puwes, worry no more, dahil dito mismo sa Pinas, mararanasan mo ang mala-Italy lugar.
Venice Grand Canal, ay isa lang sa perpekto weekend getaway place. Matatagpuan ito sa Cluster B, Mckinley Hill Garden villas, Upper Mckinley Road Taguig Metro Manila. Bagong bukas lang nito, noong 2014. Malayo-layong lakarin para sa mga taong wala sarili sasakyan. Ngunit hindi mo alintana ang pagod dahil sa malinis at magagandang tanawin iyong makikita.
Wala entrance fee dito. Pagpasok mo pa lang sa entrance gate, babatiin ka na agad ng mga guwardya gamit an salitang Italyano. Doon pa lang, magagalak kna. Punong puno rin dito ng mga restaurants. Hindi ka nila gugutumin matapos ang iyong mahabang paglalakad at paglilibot. Karamihan dito ay mga Europian at Mediterranean cuisines. Pero, hindi syempre mawawala ang mga pagkain nakasanayan na ng mga Pinoy. Andyan pa rin ang mga Mcdo, Mang Inasal, Jolibee at marami pang iba.
Pwede rin sumakay sa gondola boat nila, yun nga lang may kamahalan ang bayad dito, 500peso kada tao. Pero sulit na sulit mo naman ang paglilibot dito. Kung gusto mo ring maglagay ng lea ve locks sa bridge, 200pesos naman ang bayad dito.
Sobra kami nagenjoy ng asawa ko. Pakiramdam namen nakarating na kame sa Italy. Matagal ko man pinangarap ang magpunta sa bansa iyon, ngayon kahit papano naramdaman ko ang presensya ng Italy, sa tulong ng Pilipinas. 😁
Mas maeenjoy mo lalo ang lugar na ito kung kasama mo ang iyong pamilya o mga mahal sa buhay..