Bahay-Bahayan ...Noong Ako Ay Bata Pa

in #tilphilippines7 years ago (edited)

Naalala mo pa ba noong ikaw ay bata pa?
Naranasan mo ito lalo na kung ikaw ay lumaki sa probinsya.
Kasama at kalaro mo pa nga ang mga pinsan at mga kaibigan.
Kadalasan paborito mo ang maglaro ng bahay-bahayan.

Bahay-bahayan na gawa sa dahon ng niyog o pinag takpi-takping mga karton.
At sama sama nyong itatayo kasama ang iyong mga kalaro.
Minsan pa nga, nangunguha kayo ng mga materyales para sa bahay at sama sama nyong bubuuin ang bahay.

bahay.jpeg

Kailangan may pinto, bintana, kusina at tulugan.
Ang gamit nyo pa ngang pagluto-lutuan ay mga ginamit na lata na wala ng laman.
Kadalasan ang niluluto nyo at mga pako na galing sa kagubatan.
At kung wala na kayong maluto, nagdadala ka na lang ng lutong pagkain para pagsaluhan.

Minsan bumabagsak ang bahay, dahil hinde matibay.
Hihingi ka ng tulong sa iyong tiyo o tiya para maitayo ang bahay-bahayan.
Minsan don ka pa nga nakakatulog kapag tanghalian.
Tuwing umaga pagkagising mo babalikan mo ang bahay- bahayan.
Tinitingnan kung hinde nasira dahil sa ulan o sinira ng kambing o baboy mong alaga.

bahay2.jpeg

Kay sarap balikan ng iyong kabataan, ang iyong munting bahay-bahayan.
Kaya ako tuwing nakakita ng bahay-bahayan, naalala ko ang aking kamusmusan.
Bumabalik ang nakaraan na masarap balik- balikan.
Habang ako ay tumatanda, nais kung balikan ang pagkabata.
Kahit isang ala ala na lang, masaya ako at naransan ko ang makagawa at makalaro ng bahay-bahayan

bahaybahayan.jpg

Ikaw, naransan mo ba ang maglaro sa bahay-bahayan o gumawa ng bahay-bahayan?
Nakaka miss di ba? Dahil sa modernong teknolohiya ngayon, kadalasan ang mga anak natin ay hinde na nakaranas maglaro ng bahay-bahayan.
Iba na kasi ang panahon ngayon, mabilis ang teknolohiya at abanse.

Ako po ay pilipino, sa pusot diwa, saang dako man ako ng mundo mapunta.
Maraming Salamat po.

Ang inyong lingkod,
@sunnylife sa kagubatan

English translation, soon:) thanks guys:)

Sort:  

Meron ako proof na naglaro ako nyan waaaa
Bad un bamboo :(

nagiba bayong bahay inay? hehehe
salamat sa dalaw xxx

Bumile kayo ng toyo? Kc kumatok ako..ala tao ahahaha. San ka ba? At kung saan-saang bahay-bahayan nakarateng?

hehe natwa naman ako sau inay, dito lang ako satabi tabi ofw mode na, tapos na bakasyon:) kayod ulet.
nde na nga makapangapit -bahay dahil busy waaaaa

Busy ba..sige lang. Ganon talaga. Steemit lang, extra din yan. Power-up ka? Savings for retirement yan lola.

Cute tent!!!
Bahay bahayan lang hehe.

Thank u @luvabi
ngayon bago na plastic na bahay bahayan hehe kami dati mga niyog at dahon ng saging lol

Hehehe relate ako sis @sunnylife sosyal naman bahay bahayan na yan.Ganun din sis @sunnylife kami nung bata pa ginagawa naming bahay bahayan dahon ng saging pang bubong tapos sa haligi yung kahoy kahoy lang sa bundok at yung pang partisyon bawat gilid dahon ng niyog haha. Sayang lang hindi mararanasan ng anak ko yung ganong bagay😅😅.

hahaha swerte natin kz naransan natin yan, minsan nga nagigiba pa, tas gagawa ulet hhahaha.
chika tau soon sis. busy lang den ofw mode tau ngayon kaya nde maka chika ng bongga:(

Sige Lang sis take your time.

Paborito ko tong laro kabayan nung bata pa ko.

hehhe salamat kabayan ako den:) sarap balikan ng pagkabata anoh?
salamat sa dalaw xx

I like a place like that, beauty

thank u my friend:) it's a house tent for kids. I remember when i wasyoung usedt o play a real one and made from bamboo or banana leaves.

Sayang balikan. :)

oo nga ala ala na lang sakin :(
salamat sa dalaw xx

Looks great! :D

thank u pogi:) bute naligaw ka hehhe

;) walang anuman!

Congratulations @sunnylife! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Congratulations @sunnylife! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You published a post every day of the week

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!