TULA #1 | KANIN - Originally Written by Me 😄 | BLOG#11

in #tilphilippines7 years ago (edited)

rice.jpg


KANIN

Sa pag gising pa lamang sa umaga,
Ikaw agad ang gustong matikman sinta.
Araw ko'y hindi buo,
Walang lakas pag wala ka.

Sa tuwing ika'y nakikita,
Lubos ang galak at saya.
Ako'y nalungkot ng ika'y nagmahal,
Kahit anong mangyari,
Ikaw pa rin ang gusto ko sa almusal.

Sa kahit anong ulam ay bagay ka,
Mapa adobo man yan o kaldereta.
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba,
Ikaw pa rin ang gusto ko kahit na sa meryenda.

Sa mga hindi kumakain ng kanin,
Pakitaas po ang inyong mga kamay at paa.
Pengeng plato, tinidor at kutsara,
Dahil sa ako ay gutom na.


Tula ng isang babaeng adik sa extra rice! 😁
Maraming salamat po, Nawa'y pagpalain kayo ng Diyos. ❤

Sort:  

Ingat ingat lamang sa pag kain ng labis,
Na imbes na ikabuti mo'y mapasama pa,
Ang lahat ng kalabisan ay nakasasama,
Ito man ay pag ibig or pag ibig sa pag kain,
Diabetes, high blood, at impatsyo,
Sila'y palageng nasa matakaw naka abang,
Pa medyo minalapas pa'y ataol ang punta,
At sa libingan ang hiling hantungan,
Wag mag malabis sa pag kain,
Mag tipid sa konsumo,
Dahil itoy nakukulang,
Upang iba naman'y,
Makakain din,
Hinay hinay sa unli at extra rice,

noted po :)

pengeng kanin

mag sasaing pa lamang po :D

Follow :)