Nagsimula tayo sa isang biruan
Dumating tayo sa tawanan
Hanggang umabot kasiyahan
Nauwi sa pagmamahalan
Lumipas ang mga taon
Tayo ay naging mag-on
Hanggang naging tugon
Na ikaw ang bigay ng Panginoon
Naging masaya tayo talaga
Kahit saan man tayo mapunta
Nakasakay man o lumalakad pa
Bastat ikaw ang kasama langit nadarama
Hanggang umabot tayo sa ganito
Mga pasakit na bigay mo
Gabi gabi akong pinapaiyak mo
Masaya ka ba? Nagkakaganito ako?
Sabi mo di pride pinapairal mo
Di ka nag text para matutu ako
Di mo ako pinapansin para maintindihan ko
Kahit kapalit nitoy pasakit sa puso ko
Masaya kana? Nalaman mong tama ka?
Masaya ka na,na nasasaktan ako talaga?
Tama na ba to para mapatawad mo?
O baka pinaglalaruan mo lang puso ko?
Paano ba maiibsan sakit na nadarama
Sabihin mo naman oh!maawa ka!
Ang sakit Sakit kasi ng nadarama
Yung parang gusto mo ng magpahinga