Mahal nais kong sumulat ng isang tula
Tulang tungkol sa iyong pagkawala
ngunit hindi ko alam kung saan at paano magsisimula
Dahil sa ating relasyon ako ang nagkasala
Mahal hindi ko nais na ikaw ay mawala
Sadyang naipit lang ako sa maraming akala
Maraming akala at tamang hinala
Hindi ko naisip na sa iyo'y maniwala
Na sayo'y maniwala at magtiwala
Dahil ang tanging nasa isip ko'y bakit mo iyon ginawa
Tuluyan akong nabulag sa katotohanan
Patuloy ang silakbo ng damdaming nasaktan
Nasaktan sa walang katuturan
Kung sana ay ika'y aking pinaniwalaan
Tayo ngayon ay nasa simbahan
At naghahayag ng pagmamahalan
Mahal patawarin mo ako at muling pagbigyan
Hindi na magpapadala sa mga dila ng sino man
Nangangakong mamahalin ka magpakailan kailan man
Mahal dito na natatapos ang aking tula
Tulang aking nagawa dahil hindi nagtiwala
Photo is mine
Thanks to @iwrite for mentoring us also to @purpledaisy57 @antonette @bobiecayaoand to SteemIt Diversify Family especially to @surpassinggoogle for the nonstop support
Galing nman..😊👏👏
Mana sayo hehe
Marami ang naghihiwalay sa maling akala hehe