"Kung ipipinta siguro kita" - A Filipino Spoken Word Poetry

in #teardrops7 years ago (edited)

image

Kung ipipinta siguro kita
Lalagyan kita ng dila sa noo
Para malasahan naman ng iyong pag-iisip
Ang pait na walang pasubaling iniwanan mo.

Kung ipipinta siguro kita
Kakabitan kita ng kamay sa pisngi
Para malaman mo kung paano yung masampal
Na kahit anong gamot ang iyong inumin, hindi pa rin matanggal-tanggal.

Hindi ka magiging kaakit-akit
Lalagyan kita ng tattoo sa mukha, “Kumakain ako ng buhay na rabbit.”
Gagawin kitang walang kasing pangit
Pasalamat ka na lang, ‘di ako marunong gumuhit.

Kaya gamit ang tula iguguhit ko ang iyong mukha.
Gagawin kitang mataba, bagay sa ugali mong hindi marunong magpakumbaba.

Yung mata mo gagawin kong maliit, para hindi kana makahanap nang sakin ay ipapalit.

Iguguhit ko sayo'ng labi ang pinaka panget na ngiti.
Isa kase yan sa dahilan kung bakit ako sayo'y nabighani.

Yung kamay mo gagawin kong hindi pantay, ganti ko yan para sa pinangako mo'ng hindi mo'ko iiwan habambuhay.

Yung mga kuko mo lahat gagawin kong patay, gaya ng unti-unti mo saking pag patay.

Iguguhit kita bilang napakapanget na nilalang.
Yung tipong dadaan - daanan nalang.

Gagawin kita maitim, yung hindi makikita sa dilim.
Pasalamat ka nga sa dilim ka lang hindi makikita, ako nga kahit sa liwanag hindi mo makitaan ng halaga.

Ang dami kong gusto iguhit sayo, pero ang pinaka gusto ko.
Ang iguhit ka ng nasa tabi ko, kahit hindi na ako ang gusto mo.

#FilipinoSpokenWordPoetry


Acknowledgement

@beanz: Thankyou very much mam for your nonstop support to me and my mom @baby07 your voice is very influential to other steemians to have a good heart like you. You deserves to be voted as witness

@surpassinggoogle: Nothing can compare you sir terry in terms of doing and helping others. I feel so sad today so this is my entry to your @teardrops and i believed as you say that every teardrops would be rewarded

image