Okay, so lahat tayo ay may kanya-kanyang hugot sa buhay. Sa makatuwid, lahat ng bagay na nakapaligid sa lahat sa atin ay meron tayong hugot na tila ay bukas na ang lahat sa ngayon upang ngitian na lang ang sakit na ating naranasan. Kaya, napagdesisyonan kong idaan na lamang sa hugot ang lahat ng sakit at pait na ating nadarama at sa gayon ay matutuhanan nating mag move on mula sa mga ito at kalaunan ay matututong muling tumawa.
Kaya't simula ngayon, hatid ko ang lahat ng hugot para sa inyo at nawa ay sariwain natin ang bawat patak ng luha, pait at sakit ng nakaraan ng may ngiti sa ating mga labi. Oo, nasaktan ka ngunit hindi ito dahilan upang ikaw ay makulong sa dati at manatili na lamang duon.
Hatid ko ang mga kwela at may tagos na mga kwento, tula at iba pang magbibigay kasiyahan at paalala sa inyo tungkol sa buhay at buhay pag-ibig. Nawa ay kayo ay masayahan sa page kong ito sapagkat ito ay para sa inyo!
Usapang "Kaibigan Mo Lang Ako!"
Ilan sa atin o baka nga karamihan sa atin ay naranasan ng umibig sa isang kaibigan. Cliche' ano? Maliban sa mga pelikula ng Star Cinema at shows ng ABS-CBN, ito ay totoong nangyayari at kahit ako nga ay nabiktima din ng lintik na tadhana sa sitwasyong ito.
Naranasan mo na ba yung tipo ng relasyon na parang kayo pero para ring hindi? Yung tinatanong ka niya kung okay ka lang ba sa tuwing matamlay ang dati mapupungay mong mga mata at pinapaalalahanan na kumain na at matulog sa tamang oras. Yung siya tagapayong sayo sa tuwing umuulan at hinihintay ka hanggang matapos kang mag scrub sa classroom tuwing hapon dahil isa ka sa mga cleaners? (Alam kong masyadong high school tu.)
Parang kayo db? Pero mabibigla ka na lang may ipinakilalang girlfriend sa birthday party ng kaibigan mo. So, ikaw naman na umasa, d mo mawari kung ikaw ay iiyak ba at magmukhang tanga o tiisin ang apat na oras kaka plastic ng tawa kasama ang girlfriend niya.
Again, parang kayo ngunit hindi.
Masakit ang mapunta sa ganitong sitwasyon. Dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka lalayo at kungbkailan tama na sapagkat nasa iisang grupo lang kayo at meron kunting humahatak sayo na manatiling maging okay sa kanya dahil ayaw mong magmukhang nasaktan at affected sa harap ng ibang kabarkada mo o baka isipin niyang assuming ka masyado upang isiping mutual ang nararamdaman ninyo. Ang hirap umiwas pag nasa ganitong kang sitwasyon. Ngunit paano nga ba?
Wala ng mas sasakit pa sa kaibigang inibig, nawala at lubusan ng nawala. Yung tipong "strangers" na lamang kayo ngayon. Kaya't ano nga ba ang mas matimbang? Pagkakaibigan niyo o ang nararamdaman mo. Mas mainam na ito ay inyong pag-usapan ng malinawan kung ano nga ba ang inyong nadarama sa isa't isa. Kung may alinlangan naman ay huwag ng ipilit na maging more than friends, sagipin nyo na lang ang pagkakaibigang muntikan ng mawala dahil sa banta ng pag-ibig.
Nung dating minahal ko ang isang kaibigan, doble ang sakit na nadarama ko. Yung sakit na iba ang inibig niya at ang makita siyang nasasaktan ng dahil sa iba.
Ngunit paano nga ba?
Ang sagot ay nasa sayo... tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo bang bigyang pagkakataon ang puso ninyong dalawa kalakip ang posibilidad na ito ay magwawakas kasama ng pagkakaibigan ninyo o manatili na lamang magkaibigan at makontento na lamang na sa ganitong paraan ay kayo may forever?
Nangangapa pa ako sa ngayon ngunit sana ito ay nagustuhan ninyo. Sa susunod po ay gagalingan ko pa po.
Maraming salamat!
Kung ito ay inuong naibigan, maari lamang pong i click ang upvote at iresteem ang post na ito.
Nagkakawang-gawa rin po ako. Kaya't ang naunang artikulo po dito ay isang fundraising para sa batang merong brain tumor. Sana po ang post na iyon ay inyong mabasa upang siya ay matulungan.
Narito po ang link ng post.