Ang Nakaraan..
Galit na galit ang mukha ng boss nya habang si Jea ay yumoyuko lang. Alam nyang sya ang huling nag open sa computer. Tinitigan sya ngayon ng boss nya ng matulis. Kaya ang umiikot sa isipan ni Jea ay ang tanong.
Dali-daliang nagpunta sa banyo si Jea dahil sa lubos na pagkabalisa nito.
“Hesus Marya Santisima! Anak ka ng patawarin! Paano na to?!” Anya nya habang ito’y nakaharap sa salamin na tila hinihintay sumagot ang kanyang repleksyon.
Hangga’t may kumatok, Tok..Tok..Tok..
“Pakshet! Ito na! Hinga ng malalim Jea. Inhale..Exhale..Inhale..Exhale..” Sa lalim ng kanyang buntong hininga, tila nakikisabay din ang kanyang nagsisilakihang dyoga na parang gustong kumawala sa hapit na hapit na uniporme nito. Agad nitong naglagay ng lipstick upang hindi mahalata sa mukha nito ang pagkabalisa.
Nang makalapit na ito kila Boss Jhake, unti unti nyang nakitang palabas ng opisina ang mga klayente. Tila nabunutan ng tinik si Jea nang marinig nyang hindi na matutuloy ang meeting sapagkat may biglaan meeting sa ibang kompanya. Hindi alam kung saan ihahakbang ni Jea ang kanyang mga paa kung saan ito pupunta. Hangga’t marinig nya ang lakas na boses ni Stanley sa kabilang kwarto,
“Ano ba naman kayo!! Diba matagal na kitang tinuruan dito? Bakit hanggang ngayon hindi nyo parin makuha kuha! Please lang please! Pakidukot naman ang utak nyo sa mga engron nyo!”
Napasilip si Jea sa kwarto na iyon, napagtanto nya na pinapagalitan na naman ni Stanley ang kanyang mga kapwa empleyado kaya dali dali itong maglakad na parang walang nakita. Sa pagmamadali nitong maglakad bigla na lang nyang nabunggo si Boss Jhake na may hawak hawak ng isang tasang kape.
“Ay Hesus Marya Santisima! Sir, Sorry po sorry po.” Dali dali itong nilabas ang panyo sa kanyang dibdib at agad pinunas sa nabasang polo ni Boss Jhake.
“Jea! Ano ba naman to!? Putik naman oh! Paano na to? Pupunta ako ngayon ng meeting sa ibang kompanya, paano na to?!” Sabi ni Jhake na galit na galit.
“Pa pa pasensya na po na po kayo sir ..hi ..hindi ko po sinasadya,” pautal utal na sabi naman ni Jea na tuloy tuloy pa ring nagpupunas sa damit ni Boss Jhake.
“Stop! Mauubos ang oras ko sayo. Please, get my another uniform!” Pasigaw na sabi ni Jhake.
“Sir saan ko po kukunin?” Tanong ni Jhea
“Siguro sa asawa ng kapitbahay nyo! Jea naman! Ang tagal tagal mo na rito! Move! Dalhin mo sa office ko at dun ako magpapalit.” Anya ni Jhake.
Nang makuha ni Jea ang uniporme ni Jhake. Agad agad itong pumunta sa opisina ni Boss Jhake upang ibigay ito.
“Sir eto na po”, sabi ni Jea.
Agad agad naghubad ng polo si Jhake upang ito’y magbihis. Tila tumigil ang oras at ang ikot ng mundo sa nakita ni Jea. Nakita nya ang ala-macheteng hubog ng pangangatawan ni boss Jhake. Hindi nya napigilan ang sarili kundi ang matulala na lamang sa nakita sabay sa pabulong nito sa kanyang isipan , “inhale, exhale..pandesal na may mayonnaise na nga, may ham and cheese pa”
“Jea? Naririnig mo ba ako? Jea?” Sabi naman ni Jhake.
Sabay pitik ng daliri sa harapan ng mukha nito.
“Ay ay ay, yes sir ! Yes sir! “ anya ni Jea kahit di naman nya narinig ang sinabi ng kanyang boss. Nang makaalis na si Jhake sa kanyang opisina, dali daliang kinuha ang larawan ni Jhake sa may lamesa at napakanta na lamang ito..
“1,2,3 go! ,KUNG AKO'Y
MAG-AASAWA..
ANG PIPILIIN KO..
ANG PIPILIIN KO..
ANO?
ANAK NG isang Doctor..
bakit..??
Turok siya..
Turok ako..
Turukan kami..
sarap-sarap
Turukan kami....
HANGGANG
HATING-GABI..”
Sabay na paghalik nito sa larawan ng kanyang boss at agad na ring lumabas ito sa opisina ng kanyang boss.
Sa kabilang dako..
Habang abala ang mga emplayado sa kanilang kanya kanyang trabaho.
“Guys guys! Meeting tayo. Asap” Sabi ni Stanley kasabay ng tapik sa mga balikat ng mga empleyado na nakaharap sa kompyuter.
Agad agad nagtipon tipon ang mga empleyado upang alamin ang anunsyo ni Stanley.
“Guys, nagpatawag ako ng meeting kasi I heard that there will be a meeting nextweek kasama ang mga bigating boss sa ibang kompanya. Most of them came from Germany and China which some of them are closest friends ni Boss Jhake, Please be prepared . Alam nyo naman si Boss, ayaw nya tayong mapahiya.”
Simula nuon, unti unting nag aral ang mga empleyado ng kahit kunting salitang Chinese at German kahit sa pagbati man lang. Ang linggong yun ay masyadong matrabaho para sa kanila sapagkat kelangan ihanda ang mga reports na kelangan i-present sa malakihang meeting.
Dumating ang araw na pinahihintay, nagsidatingan ang mga boss sa malalaking kompanya. Unang dumating si Mr. De Shawn galing Germany na kung saan kilala bilang isang sikat na businessman sa kanilang bansa.
“Guten Morgen Mr. Shawn”
“Guten Morgen!”
Sabi ng mga ibang emplayado bilang pagbati ng magandang umaga.
Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin si Mr. Jam Pol na kilala sa Jewel industry at si Mrs. Romes Kie na kilala naman sa clothing industry na kapwa taga China at iba pang mga Boss na galing naman sa malalaking kompanya na kilala dito sa ating bansa.
“Zǎoshang hǎo Sir and Ma’am” kasabay ng matatamis na ngiti ng empleyado na sumalubong sa kanila.
Nang sila ay nakapasok na sa opisina. Isa isa silang pinaghandaan ng tig isang tasang kape sa kanilang lamesa. Si Jea ang naatasang maghanda nito at ayun nga, laking gulat na lang ng ibang emplayado ng marinig ang pagbati ni Jea sa mga Boss.
“Ton-Shing-Wa Ma’am and Sir, Ton-Shing-Wa!” Sabi ni Jea nang ihanda nya ang kape kay Mr. Jam Pol at Mrs. Romes Kie . Agad napatapik na lamang si Stanley sa kanyang noo. Hindi naimik ang dalawang Chineese sa nabanggit ni Jea kundi ngumiti na lamang ito. Dali daliang lumapit si Stanley kay Jea upang kunin na lamang ang mga tasa ng kape sa kanya ngunit si Jea ay hindi nakaramdam at dire direcho pa rin sya sa paghanda ng kape. Nang si Mr. De Shawn na ang bibigyan ng kape, tila lumaki ang mga mata nito nang makita ang balingkinitang pangangatawan ni Jea. Kaya agad agad nya itong binati ng ,
“Guten Morgen!”“Guten Morgen!”
Ngumiti si Jea na lamang sa kanya. At bigla na lamang nya naalala ang kababatang si Oca na nagturo minsan sa kanya ng German. Kaya ito’y bumati rin kay Mr. De Shawn ng ..
“Tirikanghawten Mr. Shawn! Vanhawten!” At yan ang pagkaka alala nya sa tinuro ni Oca na goodmorning sa German.
-Itutuloy..
Setting sa isang Opisina
Karakter -
Masungit na Boss - isang karakter na palaging galit at di maipinta ang mukha.
Sexytari - sekretarya na lubhang maganda ang hubog ng katawan maliban sa angking ganda/kakisigan wala na siyang ibang maipagmamalaki.
Perfectionistang Empleyado - lahat dapat ay nakaplano sa kanya at sa sobrang perfect nya wala siyang lovelife wala pa kasi si Mr. o Ms. Right
Elemento na maaring gamitin :
Lipstick
Corrupted File
Kape
Tema: Komedya
Sinasabi ko na nga ba't bat masisingit na tutorial ng German dito eh. Hahaha. Ang kulit! Andami long tawa!
Haha bahala na si @twotripleow kung ano magiging karakter nya jan haha
Parang alam ko na kung san na naman mapupunta itong storya na to. 😅
Posted using Partiko Android
TON-SHING-WA / WA-SHING-TON. Hahaha
Haha tirik ang hauten. Ano kaya german ni Jam Pol at Rome Skie?
Boss haha. Dito ba sasabihin?
Tonshingwa hahaha
Naalala ko yung porkchop duo
Nanunuod ka rin pala nun haha
sakit ng tyan ko dun wahahahahaha
Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.