Ang TagalogTrail ay naghahanap ng isang obrang maaaring gamitin para sa kanilang opisyal na logo. Ito ay makakabuti sa lahat ng kalahok(Steemians) dahil dito ay maipapakita ng kalahok ang kanilang kanya-kanyang galing sa pagguhit at pagbuo ng isang obra.
Hindi ko na para patagalin pa mga minamahal kong kaibigan sa industriya ng Steemit. Gumawa ako ng tatlong(3) logo para sa patimpalak na ito. Naririto ang aking likhang obra para sa @tagalogtrail logo:
Unang obra: Ang @tagalogtrail at ang Musika 🎤🎼
Nilikha ko ito sapagkat alam kong magkakaroon ng mga patimpalak ang @tagalogtrail sa industriya ng musika. Ito ay maaaring gamitin ng @tagalogtrail kung nanaisin man nila. Mapapansin din natin na may iisang kulay lamang ito. Ang musika ay sadyang makulay na, ngunit ang musikero ang dapat mas nagbibigay dito ng buhay. Pinili ko din ang kulay ng kayumanggi dahil ito ay sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino.
Pangalwang Obra: Ang @tagalogtrail at ang Sining 📝🎨
Ginawa ko naman ang obrang ito upang maipakita na ang bawat Pilipino o kahit na sinong nilalang ay may natatagong talento sa sining. Lahat ay may kakayahan gumihit ngunit kailangan lang ito pagbutihin at isapuso ang obra masetrang lilikhain. Itong logo na ito ay maaaring gamitin ng @tagalogtrail kapag sila ay naglunsad ng mga patimpalak na may kaugnayan sa sining. Bughaw ang aking piniling kulay sapagkat ito ay kumakatawan sa kalayaan. Ang kalayaan ng bawat artista na lumikha na naaayon sa kanilang kagustuhan sapagkat ang sining ay malaya. Ang tatlong daliring nakataas ay sumisimbolo sa tatlong bituin ng Pilipinas, ang Luzon, Visayas, at Mindanao (LuzViMinda). Ipinapakita dito na ang bawat Pilipino ay talentado sa paglikha ng isang malupit na obra at ito ay patungo sa taas o sa tutok ng tagumpay.
At ang panghuling obra: Ang @tagalogtrail at ang Matulungin nitong Kamay 🙏
Ang obrang ito ay nagpapakita lamang ng pagiging matulungin ng isang Pilipino. Kilala ang bawat Pilipino bilang isang heneroso, magalang, mapagbigay, at higit sa lahat handang iabot ang kanyang kamay sa nangangailangan man o hindi. Handa itong tulungan ang bawat isa upang sabay sabay nilang makamit ang mga pangarap at maabot ang minimithing tagumpay. Pinili ko pa din ang kulay ng bughaw dahil ito ay sumasagisag sa ating kalayaan, ating kalayaan na tulungan ang isa't isa. Pinapakita rin dito na nasa loob ng isang krus ang dalawang kamay sapagkat si JesuKristo ang ating gabay sa ating paglalakbay patungo sa tagumpay sa ating buhay. Karagdagan, ito ay maaari rin gamitin ng @tagalogtrail sa anumang proyektong kanilang gagawin sa mga susunod na panahon.
Mga ibang sining o logo na maaaring gamitin ng @tagalogtrail:
Sana'y inyong nagustuhan ang aking simpleng obra at nawa ito'y makatulong kahit papaano sa @tagalogtrail.
Maraming maraming salamat po sa pagbabasa at pagtangkilik sa aking obra maestra.
Proud to be a Filipino with these kinds of logos representing our country!
Ikinalulugod Kong makibahagi sa mga adhikain ng pamayanang ito.
I am looking forward for your creation @fycee.
Tama! Isigaw natin ng may buong kagalakan na tayo ay isamg Pilipino!
Kung nais nyo pong maging bahagi ng aming munting proyekto. Maari po kayong magumpisa sa pagsusulat sa wikang Filipino at pag gamit ng #Pilipinas tag para makita po ni Junjun at ako ang inyong likha 😍
Salamat po ginoong @greatestbastard! tinatanggap po namin ang inyong ipinasa bilang isang opisyal na entry.
Maraming maraming salamat sa pagtanggap sa aking likha. Nawa'y makatulong ito sa mga susunod nyo pang mga adhikain sa @tagalogtrail.
Napakagandang adhikain mo @tagalogtrail! Ipagpatuloy mo ang iyong nasimulan.😊
O wow! ganda ng gawa mo kabayang @greatestbastard, greatest ka nga sa pagawa. salamat sa pagbahagi.
Salamat kabayang @fherdz sa pagtangkilik sa akong mumunting gawa. Hindi lamang ako ang marunong gumawa ngunit pati ikaw ay maaaring gumawa ng ganyan o higitan pa.
ganda nga gawa mo. gusto ko sana sumali pero diko alam hehehe