
Salamat kaibigan
Kayo'y langing nariyan
Lungkot,kaligayahan
Ako'y iyong sinamahan
Problemang dinaana
Kayo'y naging sandigan
Ako'y iyong ginabayan
Hindi mo iniwanan

Araw'ng pinagsamahan
Puno ng kasiyahan
Ang bawat kalokohan
Puno ng halakhakan
'Di pagkakaintindihan
Sabay sinulusyunan
Bawat mga tampuhan
Puno ng lambingan

Nabuong alaala
Sa puso ay mahalaga
Tamis ng pagsasama
'Di mabibili ng pera
Tunay na kaibigan
Sadyang maaasahan
'Di ka malilimutan
Pangako kahit kailan.

Thanks for your post.
ok fine hahaha galing