Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.
“Salamat at lagi kang nariyan”, anya nya sa isang bote ng alak na hawak ng kanyang kamay. Ang araw ay unti unting lumulubog, ang maliwanag na kalangitan ay unti unting dumidilim. Si Gabriel ay patuloy pa rin sa paglalaklak habang ito’y nakamasid sa nagsasayawang alon sa dagat. Mula noong sya’y kolehiyo, madalas itong magpunta sa dalampasigan sapagkat iyun ang tamang lugar para sa kanya upang sya’y makapagisip isip ng tama.
“Bu-bu-buti na lang at at hindi kayo nagsasawa sa kadramahan ko sa buhay”, sambit nyang pautal utal na tila nababalot ito sa kalasingan. Animo’y kinakausap nito ang dagat habang patuloy nitong nilalaro ang buhangin sa paa. Lingid sa inyong kaalaman, si Gabriel yung tipong lalaki na hindi palainom subalit magmula ng ito’y iwan ng kanyang sinisinta, tila nagbago ang lahat. Gabi-gabi nagkikimkim na lamang ito ng sama ng loob dulot ng pagkasawi sa pagibig. Si Gabriel ay ikakasal na sana sa susunod na bwan, ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro. Nagising na lamang ito ng isang umaga na wala na ang kanyang babaeng minamahal. Naging miserable ang buhay nito kaya ang dating masiyahing lalaki ay unti unting naglaho. Madalas gusto nitong mapagisa at pumunta na lamang sa may dalampasigan.
Hangga’t isang gabi, habang balot na balot ito ng kalasingan, sya na lamang ay nahiga sa buhangin habang minamasdan ang makikislap na bitwin. Pumukaw na lamang sa kanyang pansin ang isang babae sa may bandang kalayuan na may balingkinitan na pangangatawan. Nilapitan nya ito at kinausap, “Anong ginagawa mo rito?” Sabi nya. Ang babae ay tila natakot kay Gabriel kaya ito’y napaatras ng tatlong hakbang. “Wag kang matakot, gusto ko lang ng may makakausap”, sambit nito sa babae. “Kung may balak ka pong masama, wag mo na pong ituloy. Huwag naman po kuya”, sabi ng babae habang ito’y natatakot. “Alam ko lasing ako ngu-ngunit wala akong ba-balak na na naa masamaa”, sagot naman ni Gabriel na hindi maituwid tuwid ang pananalita dahil sa kalasingan. Kumalma ang babae ng kahit kaunte. “Ano bang pangalan mo?”, tanong nya. “Akoo si Gabriel, iniwanan ng mina..minaa..maa..haal” sagot ni Gabriel sa babae at bigla na lang itong natumba.
Lumapit ang babae kay Gabriel, ito’y nagaalala sapagkat di nya alam ang gagawin dito. Pilit nya itong hinihila papalayo sa may dagat dahil naisip nya baka ito’y sumama sa agos ng alon kapag ito’y kanyang iwan. Napagtanto nya na manatili na lamang ito sa tabi ni Gabriel upang ito’y kanyang bantayan. Unti unti nitong binuksan ang botones ng polo na suot-suot ni Gabriel upang ito’y maging komportable. Niluwagan ang masikip na sinturon nito at pinahiga ito sa kanyang binti.
Habang walang tigil ang paghampas ng alon, bigla na lamang nagsalita si Gabriel. “Huwag mo akoong iwan, diyaan ka lang mahal ko” — ito’y nananaginip sa mahimbing nitong pagkatulog. Hinaplos na lamang ng babae ang buhok nito. Ang gabi ay palalim ng palalim, ang dagat ay unti unting tumatahimik, ang bitwin at ang bwan ang tanging nagsilbi na lamang nilang ilaw nang biglang..
“O sya ginoo, magiingat ka lagi. Aalis na ako” sabi ng babae kay Gabriel. Nang ito ay tatayo na, bigla na lamang hinawakan ni Gabriel ang kamay ng dalaga ng napakahigpit sabay sabing “Huwag mo akong iiwan”. Inalis ng babae ang kamay ni Gabriel na tila wala itong narinig. Ito’y tumayo at naglakad paalis sa lugar na iyun. Pagkatapos ng ilang hakbang, agad na lang tumayo si Gabriel na tila ito’y nakapagpahimasmas na. Sinundan nya ang babae at niyakap niya ito ng mahigpit. “Salamat sa iyo” sabi ni Gabriel habang ang luha nito’y umaagos sa kanyang mukha at pumapatak naman sa balikat ng babae.
Hindi umiimik ang babae, kaya bigla na lamang itong hinalikan ni Gabriel na tila ito’y sabik na sabik. Gustong pumalag ng babae ngunit hindi na tumigil si Gabriel sa paghalik dito. Hinayaan na lang ng babae na parang gusto din nito ang ngyayari. Nilapat ni Gabriel kanyang dalawang kamay sa pisngi ng babae, habang ito’y patuloy na hinahalikan. Dahan dahan namang inaalis ng babae ang polo ni Gabriel hanggang ito’y mahubad nya ito. Unti unting humiga ang dalawa sa buhangin, sa silong ng isang malaking puno ng niyog. Umibabaw si Gabriel sa babae na dahan dahan ding inaalis ang saplot nito. Halik sa labi hanggang sa leeg habang unti unting hinihimas ang malambot lambot na dibdib ng babae. Hangga’t nilapat na lang ang ulo ni Gabriel sa bandang dibdib ng babae at dalidalian nya itong dinilaan. Napapakagat labi sa sarap ang dalaga kaya agad itong umibabaw kay Gabriel at agad nyang binuksan ang zipper nito. Dalidalian nyang sinubo ang tigas na tigas na taguro ni Gabriel. Ang kalahati nito ay hawak ng kamay at ang ulo naman ay nasa bibig ng dalaga na tila naging isang kendi na paulit ulit pinaglalaruan ng kanyang dila. Nang tangkain na ni Gabriel na hubarin ang pangibabang suot ng dalaga, agad nitong nagpumigil. “AYOKO” sabi ng dalaga. “Sige na please!” Sabi ni Gabriel. Ngunit tila ayaw talaga ng dalaga kaya wala ng nagawa si Gabriel kundi isubsob ulit ang ulo ng babae sa tayung tayong alaga ni Gabriel. Hanggat “Yaaan na! Ayaaan na! Aahhhh ahhhh!” Lumabas ang malapot na katas na galing sa maugat na taguro ni Gabriel. Pagkatapos noon ay agad ng natulog ang dalawa.
Kinaumagahan, nagising na lamang sa maingay na boses si Gabriel nang pilit na ginigising ang katabing babae.
“BRENDO!! BRENDO!!! Uwi ka na! Kumarengkeng ka na naman! Kagabi ka pa hinahanap ng tatay mo! Diyos ko mabubugbog ka na naman ni nanay Berna!”
Sa oras na iyun, gusto ulit magpakalasing ni Gabriel na sana isang bangungot na lang lahat ang nangyari kagabi.
-WAKAS-
Eto po ang aking lahok sa patimpak ni ate @romeskie na “Tapusin ang kwento”.😄
Hahahhahaha! Inom pa, Gabriel! Hindi tuloy ikaw ang naka-score! Si Brendo tuloy ang naka-score sa 'yo! Hahahahaha
Bugbog sya kay Nanay Berna. 😂😂😂
Hahahahahaha! Langya! 😅😂
Sobrang harot😂
Yan kasi. Kala mo makakaisa ka...
Dami kong tawa...
Posted using Partiko Android
Alak pa. Haha salamat lodi BD!
Una sa lahat, hindi ko inasahan ang naging takbo ng kuwentong ito kaya kudos sa iyo manong @oscargabat! Hindi ko rin inasahan ang genre na pinili mo kaya ako naman ay talagang nagulat at natawa.
Mahusay mo namang nailapag ang kwento. May mangilan-ngilan lang akong napansin...
Marahil ay typo error lamang ang mga ito pero napuna ko ang hindi pagiging consistent ng paggamit mo ng gitling (-) sa ilang mga salita gaya ng unti-unti, mapag-isa, paulit-ulit, etc. Nauunawaan kong nagahol ka sa oras ng pagpasa kaya maaaring nagmadali ka na rin kasi nang bahagya kaya nagkaganoon.
Maaari ring gamiting ang salitang lango kapag ilalarawan ang salitang kalasingan. Pwede rin namang gamitin ang hilong-hilo sa kalasingan.
Ipinapayo ko ang paggamit ng mga mabukaklak na pananalita lalo na kung ang ilalarawan mo ay mga maseselang bahagi.
Mas mainam kung may nakalagay na R18 sa akda para sa ating mga batang tagapagbasa.
Pero kung aliw factor din lang ang ang pag-uusapan ay nakuha mo ako roon manong! Haha
“Ate ate, salamat pu magandang koment kasi kung pangit, bugbog. Bugbog ni Berna.”😂
Aba’y salamat naman po ate @romeskie sa magandang komento. Nagagalak ako sapagkat lumalawak ang aking kaalaman upang makalathala ng mas magandang kwento at mas maging isang mabisang manunulat. Yung sa daloy ng kwento, hindi naman po dapat dyan kahahantungan nyan, at dahil gahol na oras , ninais ko na lang na patawanin ang magbabasa ng nitong aking kwento. Haha. At ayun nga, sa pagtawa nyo pa lang sa aking gawa ay para na rin akong nanalo sa patimpalak na ito. 😂😂
P.S. BER Na!
Haha. Uu. Abugbug Aberna na sana kita eh. Nagulat ako sa takbo ng kwento. Kakaloka! Hahaha
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.