Itong aking bersiyon ng TAGAY PA ay hindi kathang-isip kaya huwag kayong ano okay? Natuto ako uminom ng alak noong ako ay 15 anyos. Totoo nga iyong sabi nila na "nag-simula sa patikim-tikim" tapos hanggang sa nakahiligan na. Ito ako ngayon medyo malaki na ang tiyan dahil sa kakainom ng alak.
Isusulat ko nga pala ito dahil naging inspirasiyon ko ang aking kaibigan na si Romeline. Walang takot po niyang isinulat ang kaniyang karanasan sa pampasaherong dyip na kung saan mayroong isang tao na nakainom. Paalala lang po ulit ang aming kuwento ay hindi po dapat gayahin sapagkat delikado po ito.
Simulan natin noong ako ay nasa high school pa. Biyernes huling araw ng pasok sa iskuwelahan, kaming mga magkakaibigan ay laging nagyayayaan uminom. Minsan sa kanila minsan sa labas. Mahirap uminom ng alak sa labas lalu pa at menor de edad pa lang kami noon. Hirap kaming bumili ng alak. Kaya naman nakikiusap kami sa mga matatanda na kami ay ibili. Siyempre bibigyan namin sila nang magandang alok. Iyong tipong hindi sila makatatanggi. Gaya na lang ng; lilibre namin sila o kaya naman sasali sila sa inuman namin. Ako lagi ang lugi kasi mahinang mahina ako uminon ng alak noon. Mahina pa rin naman ngayon haha. Bali wala naman sa akin iyon. Ang mahalaga naman ay masaya. Kahit kaunting tagay pa lang namumula na ako kaagad. Noong binatilyo pa lang mga 3 na tagay lang hilong hilo na ako. Kaya naman hindi ako nagpapahalata kapag nakainom ako kasi uuwi pa ako sasakay pa ako ng dyip at saka trycycle. Siyempre kapag nalaman sa amin na uminom ako ng alak may kalalagyan ako. Minsan kapag exam din babanat na kami kaagad ora mismo pagka tapos na pagka tapos ng exams. Masaya naman talaga, kaya naman wala akong pinagsisisihan.
Noong ako ay kolehiyo naman aba mas matindi na ang mga naging pangyayari. Isang linggo pa lang ako sa klase ay matindihang labanan na kaagad ang sinagupa ko. May kaklase kasi akong mas matanda sa akin sabihin na lang natin na hindi proporsiyon ang edad niya bilang isang baguhan pa lang. 21 na yata siya kung hindi ako nagkakamali. Ang oras kasi ng pasok naman 7 ng umaga hanggang 11 tapos babalik kami 4 ng hapon para sa isang subject. Siyempre hindi na ako uuwi pa sa Bulacan para mag-pahinga. Hihintayin ko na lang na sumapit ang ika 4 ng hapon. Mahaba habang ganoon din isang sem kung baga. Ayun araw-araw na ginagawa namin ay uminom, lulubay lang kapag 3 na ng hapon dahil nga papasok pa sa isang subject. Minsan kapag nasisiyahan walang pumapasok sa hapon. Hindi naman tanga iyong propesora namin kasi kalahati ng mga lalaki sa klase niya ay wala. Hinayaan lang niya. Kahit ganoon pa man wala ako naging marka na 3. May 1 pa ako na marka sa Geography class ko. 2.75 pinaka mababa ko at iyon ay Math. Pahinga rin siyempre bago pumasok kapag nahimasmasan na puwede na ulit, este puwede na pumasok sa iskuwelahan. 2nd year collage ganoon pa rin mas matindi na ito. Papasok late nakainom kung diyan sa tabi tabi lang. Siyempre kahit alam ng prof namin diretso pa rin "The show must go on ika nga" kahit bangengeng bangenge papasok pa rin ako siyempre sayang binabayad namin. Hindi talaga maiiwasan na maka idlip kasi ang lamig aircon, kapag hindi naman aircon ayun madaling nahihimasmasan lalu pa at sexy si propesora haha.
Unang sabak sa trabaho. Siyempre unang linggo hindi ganoon kagarapal. Naging garapal lang noong makalipas ang ilang linggo. Hindi naman halata kapag pumapasok sa trabaho, normal lang kasi na namumula mukha ko kasi bagong paligo pa lang. Pagka pasok na pagkapasok agad latag na mga papel at sabay higa. Gigisingin na lang ako ng kasama ko sa trabaho kapag inaantok na siya. Ginagawa ko lang ito kapag 10-6 ako. Hindi puwede kapag 6-2. Kapag 2-10 naman ako suwabeng suwabe ako walang hang-over. Ang haba kasi ng tulog ko. Minsan kapag wala akong pera solo lang ako. Nag-lalaro lang ako Yugi-Oh sa loob ng bahay kapag mahina internet ah, kapag malakas naman internet sa bahay friendster friendster lang. Sa ibang naging trabaho ko hindi puwede kasi pang umaga lagi. Sa loob lang ng pabrika. Ngayon naman ayos na ako palagi kasi akong 2-10 maayos na maayos ang tulog ko sa araw-araw. Inuman kuwentuhang sports at babae lang palagi siyempre. Alangan naman na lalaki ang pagkuwentuhan namin. Sa kuwentuhan wala pa rin kaming ipinagbago. Kahit sino maging kainuman ko babae at sports ang pulutan haha. Hindi naman ako mahilig sa mamulutan, pamatay lasa lang palagi. Maliban na lang kapag hard iniinom hindi puwedeng hindi mamumulutan. Bukod sa masama lasa ng hard bubutasin sikmura mo kapag walang laman. Kaya huwag kayong iinom madalas ng hard. Beer lang palagi yosi lang ayos na kahit walang pulutan.
Paalala pong muli. Ito ay pawang katotohanan at hindi kathang-isip. Hindi ko rin po ito inirerekumenda na gayahin niyo. Kung gusto niyon gayahin bahala kayo. Siguraduhin niyo lang na kaya niyo. Maraming salamat. Hanggan sa muli paalam.
Congratulations, your post had been chosen by curators of eSteem Encouragement program. Feel free to join and reach us via Discord channel if you have any questions or would like to contribute.
Thank you for using eSteem
CREATING YOUR PROFILE IS EASY! JUST FOLLOW THE STEPS HERE ☜(ˆ▿ˆc)
You can trade your earned credstars for SBD!
Thank you kindly. I'm glad y'all understand. Well I'm always there. Appreciate it brother.
"Keep ya head up" ;)
Lol yeah 2pac.
Uy! Salamat at na-inspire kang ikwento ang mga
kabulastugannatutunan mo noong araw tungkol sa pag iinom ng alak. Salamat din sa pagbuo ng pangalan Deshawn! Hahahah.Wala nga akong maipost gumagaya lang ako sa'yo. Hindi ko nga nilagay nagmamaneho ako kapag lasing haha nakahihiya na sobra. Ikaw hindi ka pa sumusuka ano? Haha
Kaya ako napatigil uminom dati kasi sobrang sakit na ng lalamunan ko suka pa ako nang suka. Wala nang laman tiyan ko nasuka pa ako kaya yung red horse na mismo ang isinusuka ko. Wala naman kasing nagsabi sa akin na huwag uminom ng red horse na di malamig. Naubusan yelo eh. Talo talo na kako. Ayun! Hahahah
Hindi pa rin ako tumitigil pero lay low lang kasi sabi ng doktor bawasan ko pag inom kaya binawasn ko haha. Nangyari din sa'kin yan hard naman inunom ko walang laman chan ko, umaga na suka pa rin nang suka, wala na maisuka suka pa rin nang suka haha umipsa pa lang papasok ng cr sumusuka na haha.
Jajaja juice ko lerd! Ingat ingat din pag may time!
Hha ikaw rin idolestest ingat ka rin palagi xx.
Jaja hinde naman ako umiinom ng alak @twotripleow. Ewan ko lang kapag ako ay naka inum, ang dami ko sigurong balak!
Oo huwag ka uminom. Marami rin silang balak. Baka barilin ka haha. Kaya huwag ka iinom ng alak ok?
Ako ang maraming balak! Jajaja! Kaya huwag na lang talaga akong uminom ng alak.
Sino at ano ang balak mo aber? Haha. Kung ako sana okay lang haha.
Hahaha ayus 2k.Ganyan din aq kaso nga lang d q natapos ang course q..first sem palang bagsak na dahil ay sa nagkasakit aq kasi habang nagaaral nagtratrabaho rin aq. Kong baga na overpatig aq.Trabaho q kc dati salesman sa gaisano sa tacloban city 19 years old aq noon tapos nagstop aq.Dala rin sa aming kasalatan sa buhay aq rin po ang breed winer sa amin aq kc ang panganay.Tapos noon nagsapalaran aq dito sa pampanga nagapply aq bilang guardiya natanggap naman aq kc Tito q ang OIC. D rin aq nagtagal kc puyat tapos nagkaroon ng kalitan sa trabaho q sa pagduduty. Nagapply nalang aq sa restaurant bilang helper sa awa ng panginoon natanggap naman aq.kaya yong sakatagalan naging chef na aq.Yun lang po hanggang dito nalang.