Alam n'yo ba?!
...na ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 7100 na mga isla. At sa bilang na ito ay naglipana ang naitalang 110 na bilang ng ethno-linguistic na grupo. Sila ang tinatawag natin na mga indigenous tribes sa Pilipinas.
Igorot, Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg, Kalinga, Kankanaey, Tinguian, Bukidnon, Kalinga, Isnag, Gaddang, Ilongot, Negritos, Mangyan, Lumad, Manobo, Ata-Manobo, Matigsalug, Langilan-Manobo, Agusan-Manobo, Pulanguiyon-Manobo, Ubo-Manobo, Arumanen-Manobo, Dulangan-Manobo, Talaandig, Higaonon, Bukidnon, Bagobo, Mandaya, Mansaka, Tagakaulo, Kalagan, Subanon, Mamanua, B'laan, Teduray, Tboli, Samal, Luwa'an, Yakan, Sama Banguingui, Sinama, Jama Mapun -- ilan lamang iyan sa daan-daang tribo sa Pilipinas.
At para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan, isang batas ang inilunsad para protektahan sila. Ito ay ang Republic Act 8371 “Indigenous Peoples Rights Act”.
Ikaw, nalalaman mo ba kung saang tribo ka nagmula at kung ano ang kultura at pamumuhay na inyong sinusunod? Kung hindi, malamang isa kang illegal alien na hindi naman talaga nagmula sa lahing Filipino. Pero ayos lang, welcome ka pa rin naman sa aming bansa, kaibigan. 😊
Namulat ako sa isang malamig at nakanginginig na umaga. Napukaw ang aking diwa sa bukang liwayway na ubod ng ganda. Nakatunghay sa sinag habang nangangarap na sana'y kasing liwanag nang pagsibol ng araw ang pag-asang natitira.
Word Poetry Challenge #18 : "Tamang Panahon"| Ang aking lahok.
May mga bagay sa mundo na minsan mahirap maintindihan,
At kadalasan ay hindi kaya arukin ng ating limitadong kaisipan.
Bakit may mga bagay na sa atin pinapahintulutan,
At ang mga pinapangarap na buhay ay di natin nararanasan.
Word Poetry Challenge #18: “Tamang Panahon” | Entry #2
Araw araw lalo akong nagsusumikap
Darating ang panahon ikaw rin ay aking mayayakap
Paglayo sayo’y malungkot at mahirap
Pagkat ikaw ang lagi kong hinahanap
Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :
- Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
- Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
- Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
- Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
- Ang mga posts hanggang sa ikatlong araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)
Antabayanan ang iba pang pagtatampok :
DAY | TOPIC | WRITER/CURATOR |
---|---|---|
Sunday | Travel | @rye05 |
Monday | Short Stories & Poetry | @johnpd |
Tuesday | Community Competitions | @romeskie |
Wednesday | Finance | @webcoop |
Thursday | Community Outreach | @escuetapamela |
Friday | Food | @iyanpol12 |
Saturday | TBA | TBA |
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq