Paboritong Laro | Ragnarok

in #steemph6 years ago

Hindi ako mahilig maglaro ng mga RPG bilang wala naman kaming telebisyon at playstation o computer noong bata pa ako. Kaya laking gulat ko nang mahumaling ako sa isang MMORPG game noong nasa kolehiyo ako: ang Ragnarok Online.

image
Pinagkunan

Hindi ko maalalang maigi kung taong 2003 o 2004 iyon nang simulan kong maglaro nito. Ang masasabi ko lamang ay isa ako sa mga naglaro noon ng Ragna na walang special characters ang pangalan. Sa maikling sabi ay isa ako sa mga naunang maglaro nito sa Pilipinas.

Ang Ragnarok at nagmula sa South Korea. Ang tema nito at fantasy, adventure, na may mga medieval na karakter at lugar. May mga karakter na knight, assassin, archer, mage, merchant at ang pinakagusto ko sa lahat: priest.

image
Pinagkunan

Marahil ay likas talaga akong mabait (ahem! ahem!) kaya naisipan kong piliin ang job type na ito. Marahil din ay ginamit lang din talaga ako ng ex ko para mayroon siyang personal na unli supply ng red pots kaya hinikayat niya akong maging full support priest. Mas gusto kong isipin na mabait lang talaga ako. Bahala na kayo sa kung ano ang gusto niyong isipin tungkol sa ex ko. Wahahaha!

image
Ka-corny-han namin ng ex ko

Ang skills at build ko ay umikot sa iisang konsepto: kailangan kong makatulong sa mga kagrupo ko. Hindi ako pwedeng basta-basta mamatay sa gitna ng laban. Kailangan din pangmalakasan ang mga support skills ko tulad ng *Heal, Blessing, Increase Agi, Gloria, Resu, at kung anu-anong pang-baps (buff) na tinatawag. Minsan kapag naghihintay ng mga kakampi, kapag may nakita kayong nakatambay na priest sa labas ng Prontera sa Odin o Chaos na server na walang ginagawa kundi magbigay ng full buff, ako yun. Gustong-gusto ko yung makikita kong babalik pa yung character para sa /kis at /lv at kung anu-ano pang sweet na pa-thank you nila. Lakas lang ng trip ko talaga.

Sa labanan naman, hilig kong tumambay sa GH at mag shift+heal ng mga ghoul. Level 10 ang heal ko eh kaya malakas ang damage sa undead. At syempre, party pa more! Dahil sa ragna, iba ang ibig sabihin ng salitang Party sa akin. Ibig sabihin nito ay maglalakbay na naman kaming magkakaibigan. At napakaimportante ng rile ko sa laro. Kailangan alerto ako na makita kung sino na ang namumula na ang HP o ang buhay nila. At iba iba ang baps sa bawat kakampi ko. Kapag knight ang naaalala ko kailangan nila ng Kyrie para lalo silang kumunat (ata). Kapag naman Mage, kailangan nila ng skill na pampabilis mag-spell (nakalimutan ko na kung ano yun.) At siyempre, pag assassin, kailangan nila ng increase agi at heal. Maraming heal. At dahil nga jowa ko pa yung ex ko noon, kailangan bigyan ko siya ng lahat ng baps mula sa blessing increase agi, angelus, kyrie at kung anu-ano pa. (Parang mas lumalamang na talaga na inimpluwensiyahan lang talaga ako ng ex ko para sa mga pansarili niyang adhikain. Wahahaha!

image

Pero hindi naman yung gameplay ang dahilan kung bakit ko paborito ang Ragnarok. Una, dahil nga kalaro ko ang mga kaibigan ko. Nauubos ang oras namin kalalaro ng Ragna dati. Pag hindi kami naglalaro, pinagkukuwentuhan naman namin ang Ragna. Pati personalidad namin, naihahambing na namin sa mga napili naming mga characters. Parang ekstensiyon na ang mga iyon ng sarili namin.

image

Pangalawa, namamangha ako sa taba ng utak ng gumawa ng larong iyon. Fantasy, magic, kastilyo, dragon, disyerto, mga kuweba, lahat na yata ng klase ng adventure, naroon na. Napukaw talaga ang imahinasyon ko sa larong ito. Pangatlo, ang cute ng mga characters! Chibi ang istilo nila. Makulay! Malawak ang mapa! Nakakatuwa talaga!

image

Pang-apat, napakahusay ng mga pakulo nila sa loob ng laro. Akalain niyo ba namang ikinasal na ako dati bago ako ikinasal sa asawa ko ngayon? Bahagya pa akong natakot na baka makita ito sa cenomar ko. (Siyempre, joke lang po.)

Nakangiti ako habang isinusulat ang akdang ito ngayon. Paano ba naman ay bumabalik sa akin ang mga alaala mg pagtambay ko sa Prontera. Ang libreng Warp papunta sa GH. Ang mga disyerto ng Morroc. Ang takot ko kay Isis. Ang loots! At siyempre ang cute na cute na poring!

Marami pa akong nilaro dati pagkatapos mg Ragnarok tulad ng Rohan, Ran, Gunbound, Battle Realms (oo, nauna muna akong maglaro ng ragna bago ng Battle Realms) at DOTA. Pero itong Ragnarok talaga ang pinakatumatak sa puso ko. Tingin ko, ito ay dahil sa ito ang pinakauna kong nalaro.

-:¦:--:¦:--:¦:--:¦:--:¦:--:¦:-

Lahat ng larawan liban sa mga may nakalagay na "pinagkunan" ay nagmula sa aking Facebook account. Screenshot iyan ng mgapagtambay namin sa Ragna. /sob


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Parang nase-sense ko magkaka-edad tayo ah... hahaha. Naadik din ako jan s Ragnarok dati. Buti n lng tinigil ko rin pagtagal kundi lagot ang allowance ko noon. hahaha.

Hahaha. Feeling ko mas bata ka sa kin. Feeling bata lang din kasi ako talaga eh. Hahaha. May Ragnarok na mobile eh. Hindi ko pa dina-download kasi alam ko ang mangyayari. Wahahaha.

Nilaro ko un mobile dati kaso after a while inalis ko rin. 😂 Mejo iba ung s mobile e pero oks lng din masaya p rn.

Saya lang mag-astang bagets. 😂

Posted using Partiko Android

Napakalupit ni Romeline. Wala akong kilalang babae na naglalaro ng online games. Picture babae pero hindi naman mapatunayan haha, Imposibleng walang nanliligaw sa'yo riyan haha.

Nako. Yung ex ko, kasama ko sa Ragnarok. Si Ritsard naman, sa DOTA kami nagkasundo. May mga date kami dati na sa computershop ang tuloy dahil naglalaro kami ng DOTA. Hahaha

Haha Lodi @twotripleow maraming online gamer ng Ragna na babae. Nagka chicks ako dyan noon unofficially pero private server ng R.O. Bagito days hahaha

Huluhhh naalala ko nilalaro ko to nung high school ako. Salamat sa kuya kong nag download ng offline na ragnarok. Sobrang paborito ko ang wizard at monk huhu kamiss hehe

Posted using Partiko Android

Haha. Grabe. Nilaro ko to college na ako. Nahahalata na ang mga age! Hahaha

Grabe!!!!! Bata pa naman ako. Baka late mo lang nadiscover 😂

Posted using Partiko Android

Grabe!!!!! Bata pa naman ako. Baka late mo lang nadiscover 😂

Posted using Partiko Android

Haha. Sure akong bagets ka pa. Ako, feeling bagets. Hahaha.