Dear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba? (Steemitserye 2nd Edition - Part 1)u

in #steemitserye7 years ago (edited)

Dear @jemzem,

Ako nga pala si Sarah, 24 taong gulang at nakatira sa Cebu. Sinubaybayan ko ang kwento ni Aileen at talaga nga namang naantig ang aking puso sa mga kaganapan ng kanyang buhay.
Nais ko rin sanang humingi ng payo para matulungan ako gaya ng ginawa nina @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica kay Aileen. Sumulat ako sa iyo dahil inirekomenda ka nila sa akin.

Hayaan mong isalaysay ko sa sulat na ito ang mga naganap sa aking buhay.

Dalawang taon na ang lumipas nang una kong makilala ang lalaking nagpatibok sa pihikan kong puso at ang nagpainit sa malamig kong damdamin.

Dati akong nagtatrabaho sa isang kompanyang tanyag sa fashion industry sapagkat kilalang-kilala na ang mga produktong kanilang gawa gaya na lamang ng mga iba’t ibang de kalidad na kasuotan, sapatos at bags. Ako’y naging sekretarya ng bise-presidente na siya ring anak ng may-ari ng kompanya.

rawpixel-com-340966-unsplash.jpg

Aaminin kong hindi naging madali ang naging buhay ko bilang sekretarya ng boss kong si Gerald. Hindi lamang dahil sobrang busy ako sa paggawa ng mga ipinapagawa niya kung hindi ay dahil mahirap siyang ispelingin minsan dahil madalas na wala siya sa mood. Siya rin ang tipo ng tao na nakakatakot lapitan. Hindi ko alam, pero may aura kasi siyang kakaiba. Bagama’t hindi niya pa ako napagalitan ng tagos sa buto dahil na rin siguro ginagawa ko ang trabaho ko nang maayos sa abot ng aking makakaya, hindi ko mawari kung bakit kakaiba ang kutob ko sa kanya. Siguro’y dahil iyon sa pagiging misteryoso niya, kumbaga ay masasabi kong malihim siyang tao.

Lumipas pa ang panahon, pero hindi nagbago ang impresyon ko sa kanya. Sa loob ng isang taon kong pagiging sekretarya ni Gerald ay ni minsan ay hindi pa kami nag-uusap sa personal naming buhay na hindi ko rin naman inaasahan kasi isa nga lang naman akong sekretarya niya. Pero makalipas ang isang taon, hindi ko inaasahan na magsisimula na palang magbago ang ikot ng kapalaran naming dalawa.

“S-sir Gerald?” iyon na lamang ang nasambit ko nang isang beses ay makita ko siya sa kanyang opisina na umiiyak habang nakasubsob ang kanyang mukha sa dalawa niyang kamay.

tom-pumford-254867-unsplash.jpg

Inangat niya ang kanyang mukha at tinitigan ako nang masama. “Don’t you know how to knock?”

“Ah—eh—I’m sorry, sir…” Sa pagkakataranta ay napatalikod na lamang ako’t aalis na sana sa opisina niya nang muli siyang magsalita.

“Am I that hard to love? Bakit palagi na lang akong sinasaktan ng mga taong minamahal ko nang totoo?” Muling umagos ang luha sa kanyang mga mata at bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa puso dahil doon.

Napatitig ako sa kanya at iyon yata ang unang beses na natitigan ko siya nang matagal. Hindi ko maipaliwanag pero tila tinutunaw ang puso ko ng mga mapupungay niyang mata. Sa pag-eeksimina sa mukha niya’y napagtanto kong totoo nga nga mga naririnig ko mula sa malalandi kong kasamahan sa kompanya. Tunay na makalaglag ng kahit anong pwedeng malaglag ang taglay niyang kagwapohan.

“Are you deaf?”

Bigla akong bumalik sa katinuan nang napagtanto kong para akong engot na nakatitig sa kanya. Kulang na lang e tumulo na rin ang laway ko habang pinagmamasdan siya.

“Ah—eh…” Gusto kong batukan ang sarili ko kasi nakalimutan ko na yatang magsalita. Para tuloy akong tanga sa harap ng boss ko.

“Never mind. Can you just join me here? I badly need someone to talk to.”

“Ah—eh—Pardon, sir?” S’yempre joke lang na sinabi ko ‘yan. Masyado na akong tanga para gumanyan.
Tumango lang naman ako’t nakinig na sa mga pinagsasabi niya. Doon ko nalaman na brokenhearted pala siya dahil niloko siya ng kasintahan niya. At iyon na nga ang naging simula ng maganda naming relasyon, hindi lang bilang magkatrabaho, kundi bilang magkaibigan din.

Hindi man kapani-paniwala, pero naging mas malapit pa kami sa isa’t isa hanggang sa…

“Uy, bes! Kanino galing ‘yang bulaklak na dala mo? Mukhang may love life na tayo, a? Share mo naman sa akin, dali! Nang may mai-chismis na ako sa mga kasamahan ko. Nagkakaubusan na kasi ng chismis sa opisina, e.”

Pauwi na ako nang makasalubong ko si Minchin, ang number one chismosa sa kompanya. At kung maka-bes sa akin, akala mo naman talaga may friendship nga between us.

“Wala, napanalunan ko lang ‘to sa raffle kanina.” Nagkaubusan na rin ako ng alibi kasi lahat na lang ng nakakasalubong ko ay pareho lang ng tanong.

“Weh? O baka naman kay Sir Gerald galing ‘yan? Matagal na kitang minamatyagan, Sarah. At sasabihin ko sa ‘yo…huwag na huwag mong aagawin sa akin ang bebe ko!” Tinalikuran na ako ng bruha pagkatapos akong pagbantaan.

Pero malas niya lang kasi naunahan ko na siya!

Hindi ko na naman mapigilang kiligin sa tuwing naaalala ang nagyari sa amin kanina sa loob ng opisina.

“I think I’m in love with you, Sarah. Please be my girlfriend.” Lumuhod siya’t binigyan ako ng bulaklak.
man-1246028_1920.jpg
Para akong nasa alapaap nang mga sandaling iyon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pero kahit ganoon ay buti na lang at hindi ako nawala sa katinuan para magpakipot pa.
“Sino ba naman ako para tanggihan ang isang guwapong lalaki na tulad mo, sir?” Tatango na sana ako para sagutin siya nang may bigla akong napagtanto. “Kaya lang…natatakot ako kung anong sasabihin nila sa atin kapag nalaman nilang may relasyon tayo. Baka siraan nila tayo lalo pa’t sekretarya mo lang ako,” malungkot kong wika.
“Don’t worry, alam kong iisipin mo ‘yan kaya naman ginawan ko na ‘yan ng paraan. Magre-resign ka na bilang sekretarya ko at ikaw na ang gusto kong mamahala sa isa sa mga boutique namin.”
“P-pero…”
“Wala nang pero-pero, Sarah.”
Ayaw ko mang tanggapin ang alok niya, pero mahal ko na rin kasi siya. Simula nang gabing nag-usap kami nang masinsinan ay nagsimula na ring nahulog ang loob ko sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay ninais kong makita siya lagi at naging sapat na iyon para sa akin. At ngayon ngang nagtapat siyang mahal niya ako at nais niya akong maging kasintahan, ayaw ko na ring pahirapan pa ang mga sarili namin kaya sinagot ko siya.

Lumipas ang ilang buwan at naging masaya naman ang relasyon namin. Walang naging malaking problema sa amin dahil kapag may maliit kaming hindi pagkakaintindihan ay pinag-uusapan agad namin at inaayos.

Nasa maayos ang lahat nang may bigla akong nasaksihang nagwasak sa aking puso.

Papunta ako sa condo ni Gerald upang bisitahin siya dahil magkikita sana kami pero bigla siyang nag-text na masama ang pakiramdam niya’t kung pwede ay magpapahinga na lang muna siya. Hindi ko na sinabi sa kanya na pupuntahan ko siya dahil labas-pasok na rin naman ako sa condo niya at sa katunayan ay binigyan niya na rin ako ng susi para doon.

Nasa tapat na ako ng pinto nang biglang kumabog ang aking dibdib. Ewan ko ba, pero bigla na lang akong kinutuban nang masama.

Pero hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa’t agad kong pinihit ang door knob. Kunting siwang pa lang ng pinto ang nagawa ko nang bigla akong nabato sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig.

“Please! Get out! Hindi na mangyayari ang gusto mo! Ilang beses na kitang pinatawad sa panloloko mo sa akin at tama na ‘yon! May iba na akong mahal ngayon at sana sapat na ‘yan para lubayan mo na ako!” boses ni Gerard na parang umiiyak.

Awtomatiko namang kumilos ang mga paa ko papunta sa loob ng kwarto. Pero muli akong nabato nang makitang may kahalikan si Gerald. Nalaglag din ang mga dala kong prutas dahil sa aking nasaksihan.

“R-Ronnie?”

Capture.PNG

Nagulat ako nang makitang kahalikan ni Gerald ang matalik niyang kaibigang si Ronnie. At doon ko napag-alaman na hindi talaga sila matalik na kaibigan na siyang sinabi nila noon. Dahil si Ronnie pala ang dating kasintahan ni Gerald.

Kaya ngayon ay labis akong nalilito kung ano ang gagawin ko. Ipaglalaban ko pa ba ang pagmamahal ko kay Gerald gayong nalaman ko kung anong dati niyang pagkatao? Totoo kaya ang narinig kong ako na talaga ang mahal ni Gerald? At sapat na ba iyon para maniwala akong siya talaga ang forever ko? O iwanan ko na lang siya’t maghanap ng totoong lalaking hindi lang lalaki ngayon, kundi pati noon?

Nagmamahal,

Sarah



O ayan na nga ang napakahabang sulat ni Sarah na naglalaman ng nangyari sa kanya, pati na rin ang kinakaharap niyang problema ngayon. Sa palagay ninyo, ano kaya ang magandang gawin ni Sarah? Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, ano ang gagawin mo? Tara’t ilatag na sa comment box ang inyong komento’t kuro-kuro.
At para sa ikalawang parte ng kwento ni Sarah, abangan si @mallowfitt para sa malupit na kaganapang mangyayari. Pakaabangan kung ano nga bang gagawin ni Sarah. Kung tatanggapin niya ba si Gerald sa kabila ng nakaraan at katauhan nito. Si @mallowfitt na ang bahala sa part 2. Hehehehe


Muli, maraming salamat, @sunnylife sa paanyaya na maging bahagi ako ng ikalawang edisyon ng steemit serye. Ako’y nagagalak at isinali mo ako sa kaguluhang ito. Maraming salamat din kina @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, at @lunamystica na nagbigay ng aliw at saya sa aming mga sumubaybay sa unang edisyon ng steemit serye. God bless and more power!


At para sa mga hindi nakasubaybay sa unang edisyon ng Steemitserye, narito po ang sinimulang kwento nina @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica:

Part 1: Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2: Dear SunnyLife -Nasaktan, Bumangon At Nagmahal Muli - Part 2
Part 3: Dear Jennybeans - #Steemitserye - Mahal ko o Mahal Ako - Part 3
Part 4: Dear @akoaypilipina - #steemitserye Part 4 - Mahal ko...Mahal Ay Iba (Aileen's Shattered Dreams)
Part 5: Dear @shikika - #steemitserye Part 5 - Happy Ending Na Ba?
Part 6: Dear @lunamystica- #steemitserye Part 6: Mahal Ko, Mahal Na Ba Akong Muli?

Enjoy reading! :D


pinagkunan ng larawan: 1, 2, 3, 4

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

Sort:  

Wow, galing... Isa kang lodi sis @jemzem .. Ang ganda ng istorya tiyak na mahihirapan talaga si @mallowfitt nito hehe... Exciting tuloy ang labanan para sa karangalan ni @tagalogtrail ngayon pa lang ksi nakikita ko ng patungo na ito sa kinabukasan.. Oh yes, power HAHAHA !!

Kung ako si Sara, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Isang mahirap na sitwasyon yan na kailan man ay hindi ko gustong maranasan char!! Hahaha...

Siguro sa palagay ko, Sara should let Gerald to explain his side. Mahirap? Oo, kasi mahal mo yung tao. At alam mo rin kung gaano nasaktan si Gerald kay Ronnie. Una niyang minahal ang binata bago ikaw pero hindi ka naman mamahalin ni Gerald kung kay Ronnie pa lang ay solve na siya. Pakinggan mo ang ibinubulong ng yong puso. Dont make rush decisions na baka sa bandang huli ay pagsisisihan mo. Kung tunay mong mahal ang tao, tatanggapin mo maging sino o ano man siya. Ano ba ang minahal mo kay Gerald, Sarah? Katangian niya ba? Ang angking ka-gwapuhan niya ba o ang pagiging mayaman niya? Ang tanging kasalanan lang naman niya ay ang umibig sa isang lalaki noon without even telling you about it dahil baka layuan at iwanan mo siya pero he chooses to change his gender identity. Give him a chance, give your love a chance. Trust issues will always be there in a relationship, pagsubok lang ito besh wag kang susuko. If you think that your love for each other is worth a thousand years (char naman hahaha, ka ka-cover kulang kasi ng song kaya pagpasensyahan lols) then kabugin mo si Ronnie. Wag mo siyang hayaang tuluyang makisawsaw sa inyo dahil tapos na ang ano mang meron sila ni Gerald.

Andali lang magbitiw ng advice noh? Hahays bahala ka dhai Sarah, di ko na problema yan HAHAHA!! Ang sarap makisali, my goodness pero tapos na ang era namin eh... Good luck sis @mallowfitt, napakasakit nito sa bangz Nyahahaha

Congrats @sunnylife, another successful steemitserye na naman ito.

@jennybeans ikaw na mag Sarah. Hahahaha. Hindi ko kasi keri sitwasyon ni Sarah. Waaahhhh...

sis si richard mo lalaking lalaki haba ng hair lols

Pak na pak ang payo mo kay Sarah, @jennybeans! Hindi ko rin nanaisin na magkaroon ng sitwasyon na gaya ng sitwasyong iyan ni Sarah. Hahahhaha. Tiyak na mahihirapan din ako. Sakit kasi talaga sa ulo minsan ang pag-ibig. Charot. 😂
Excited na rin ako sa kalalabasan ng challenge ni @tagalogtrail. Hindi magiging madali ang laban dahil na rin sa mga temang ibinigay. 😂
Pero tiyak na masaya naman gaya ng kinalabasan ng steemitseryeng pinangunahan ninyo. Ang galing n'on! Maraming salamat sa payo mo kay Sarah, @jennybeans. Masaya akong makita kayong steemitserye girls dito. 😊

gravee payo mo parang isang post na sayang lols
gleng mo tlga baby girl @jennybeans.
panalo, ang hirap naman ng sitwasyon nya haayayyy
malufet si malufet keri nya yan ehhhe
gora na sis.

True! Pang isang post na rin ang comment ni @jennybeans. Heheheh

hahaha kakabasa ko pa lang baka malito ako hahahha... nag uumpisa na ko sa panibagong serye :) ganda na naman ng susubaybayan natin !!

Kung ako nasa katayuan ni Sarah, bibigyan ko ng pagkakataon si Gerald na magbago ..ipaparamdam ko sa kanya na mas masarap mag mahal ang isang babaeng gaya nya kumpara kay Ronie na isang lalaki. Sabi mo nga Sarah , mahal mo na si Gerarld kaya naniniwala ako na ang pagmamahal mo ang magpapabago sa katayuan ni Gerald sa ngayon ...dahil ang tunay na pagmamahal kayang gumawa ng himala...ang tunay na pag ibig binabago ang buhay ng isang tao:)

Subaybayan ko ang susunod na kabanata hahaha:) Nakaka excite kung parehas kami ng iniisip... hahahaha!!!

Tumpak ka d'yan, @reginecruz! Tunay na nakakapagpabago nga naman ang pag-ibig. At saka sana maging straight na nga nang tuluyan si Gerald. Maraming salamat sa pagsunod mo rito, @reginecruz at sa pagbibigay mo ng payo sa ating munting prinsesa na si Sarah. Subaybayan pa natin ang kadugtong ng kwento ni Sarah. 😊

@reginecruz di ko yan alam na kayang baguhin ng pag-ibig ang sitwasyon ni Sarah at Gerald. Hahahaha. Sarah bisag unsa imoha desisyon, suportahan ta ka! Lols

wow kaka touch message ni sis @reginecruz
takot akong agawin ni Gerald ang nag iisa kung sandals eh lols
salamat sa suporta sis.

Hahahhaha. Lol. Pwede na ring taga-makeup si Gerald, @sunnylife. 😂

OMG OMG... Speechless ako hehe
Teka lang absorb ko munang maigi hehe

hahah sakit sa bangz sis nde pako maka recover lols

Waaaahhhh... @jemzem siguradong sasakit ang bangz ni @mallowfitt. Hahahaha. Ang lupit mo rin kasi @jemzem sa ginawa mo sa buhay ni Lara. Saan siya dito sa Cebu para mapuntahan at makausap ko? Mas masaklap pa yan kesa kay Aileen. Wahahahaha. Baka lumabas din niyan ang kanyang konsensya.
Ang masasabi ko lang kay Lara habang maaga pa lubayan na niya si Gerald. Hahaha. Malamang bumalik sa dati ang kanyang nobyong ewan. Hahaha. Sana wala ako ma offend sa komento ko. Katuwaan lang po. Peace po sa lahat. 😀

Pasensya na, @shikika. Sarah talaga ang pangalan ng bida. Nalito lang ako kaya panay Lara ang nilalagay kong pangalan sa dulo. heheheheh. Ngayon ko lang napansin. Magkapit-bahay kami rito sa Lapu-Lapu City. Taga-Cebu ka rin, @shikika? Hehehehe. Si @mallowfitt na ang bahala kung anong bet niyang kapalaran ni Sarah. :D Salamat sa pagbabasa, @shikika. :)

Hahaha. Baka Lara ang tawag mo ky Sarah. Baka mamaya ikaw pa makatuluyan niya. Hahaha.
@mallowfitt kapitbahay daw ni @jemzem si Lara este Sarah. Baka sila ang childhood darlington. Hahaha
Bigyan mo kulay ang kanilang lovelife. Lols
Hindi po ako taga Cebu. Nagtatrabaho lang po dito. 😀

Hahaahah. Lara dapat 'yan e. Pero mas bet ko gawing Sara para princess Sarah. :D Saan ka sa Cebu nagtatatrabaho? Bibisitahin kita. Charot. hehehe

Hahahaha. Sarah na lang @jemzem. Hahahaha
Wag mo na ako bisitahin sa Sm na lang tayo magkita. Wahahahah

HHahahha. Mag meet-up tayo @shikika kasama si Sarah sa Sm. Bilhan natin siya ng patatas. 😂

Lara o Sara sounds like hehehe

Hahaha. Pwede mo gamitin ang dalawa @mallowfitt. Ikaw na bahala. Hahahaha
Sakit na ba bangz mo? Ang lupit ni @jemzem! Lols

Wait Lang nagi internalize pako sa chracter ni Sarah emeged!

Oh no!kailangan ko na yata mag wig😲😲😲

hehehe anong klaseng wig sis? lufet mo tlga!

Go lang @mallowfitt! Bigyan mo sila ng malupit na kwento. 😂

Hahah hindi ako nabigo sa tatak @jemzem! Ang husay ng pagkaka deliber ng kwento. Agad ma hu hook ang mga mambabasa nito.

Maraming salamat, Toto! Natutuwa talaga ako't pinasali nila ako rito. 😂
Itaguyod natin ang Wikang Filipino! 😊

eto na pala ang bagong aabangan ahahaha..buti na lang nagcheck ako ng feed ko ..=)

sis anong payo mo kay sarah?
ipaubaya? ipaglaban? o adios na hehe

hi sis @sunnylife. I'd tell Sarah to give it a go. Kasi yung ex nung bf niya, dati na yun, parte nung buhay niya nung di pa siya nakikilala and besides she felt that Gerald's love was genuine and she heard it herself. Lahat yun sinabi ni Gerald ng hindi siya kaharap, ibig sabihin totoo. Going for it could mean no regrets in the future kasi nga sinubukan niya bago sukuan. Pero yung pagpupush ng pagmamahal niya eh may kadugtong na tanong, kaya niya ba tanggapin na ganun ang naging preference ng mahal niya? kasi kung hindi, mahihirapan siya, kahit na ipagpatuloy niya tapos araw araw iba magiging tingin niya kay Gerald magkakasakitan lang sila.

Wow! Ang ganda ng payo mo, @iamdeth. Tagos na tagos sa buto at talagang may paninindigan. Bet na bet. 👍
Pero na kay @mallowfitt pa rin ang pasya kung anong gusto niyang takbo ng kwento, pero sana nga'y dinggin niya ang payo mo. Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng iyong payo't komento. 😊

Haha saakin talaga oh no heeeellllfffff!

hahaa oo sayong mga kamay na sis.

haha.. may hugot ba? haha kasi etong si sis @sunnylife may kasalanan kaya hooked na hooked ako sa mga serye =) .hahahaha

sis baka ikaw magpatuloy ng part 3 damay damay d2 lols
patay ka haha sakit bangz mo nyan haha

naku po,.,, kinabahan ako bigla sis. hahaha,,, naku take your time kung sino man gagawa nung part 2. no rush .wahahahah

@mallowfitt eto pakinggan mo si @iamdeth. 😀😀😀

sis @iamdeth ganda ng payo mo.
abangers kay malufet ang susunod na kabanata

haha salamat sis.. nadala lang yan ng emosyon ko na nagsimula kay aileen, hindi ko talaga makakalimutan ang stress ni aileen saken ... hahaha, pero ngaun paghahandaan ko din si Sarah... hahaha..oo nag aabang na din ako

Salamat at sumunod ka rito, @iamdeth. Sa palagay mo, ano kayang mas magandang gawin ni Sarah? Tulungan natin sa pagdudugtong si @mallowfitt. 😁

Sis @jemzem kanino ko ipapasa Kung mkagawa ako ng karugtong niya?haha!Kasi gusto ko ng ipasa na Ubos na Ang bangz ko ayoko na haha😁😂

hahaha yong gusto mong gantihan na maubos den ang bangz haha aray ko sakit tyan ko sa inyo hahaha

Hahahha. Parang may sabunutan na nagaganap @sunnylife. Ubusan ng bangs e. 😂😂😂

Pwedeng kay @iamdeth mo ipasa ang korona sis. Bangs niya naman ang ubusin mo. 😂

hi @jemzem. oo avid fan ako ng serye at pinaglalaana ko talaga ng oras =) hehehe. kung sa akin sana ipush niya. Kasi kung susukuan niya ng hindi nasusubukan magkaakron lang siya ng regrets in the future. Unless hindi niya talaga kayang tanggapin ang nakaraan ni Gerald.

sis teka, teka waaa ang bilis nyo waaa
babalik ako, wait lang mama mode pa.
mukhang maganda!!
antay lang sa boost ang tagal dumating naman non kanina ko pa yon
na send.

brb sis.

Maraming salamat sa boost, @sunnylife! Ngayon ko lang naexperience ang malaki-laking value ng post ko. 😂

oh my oh my kinilig na ako sa gitna waaaa
hirap nito besh sakit sa bangz hahahaha
Gerald bat naman ganyan lahat na lang ng pogi gwapo, lalaki din ang gusto? paano naman kaming mga babae oh?

Ang hirap mga beshh wahahha ang gleng ng daloy ng kwento parang cinderella lang haha kzo si Gerald sandals den ang gusto? whahahha

Cguro ako ipapaubaya ko na sya kay Ronnie.
baka agawan ako ng lipistik pag nagkataon.
Bute na lang si Mark, mabango straight lols

Nakaka proud sis. ang ganda ng kwento.
sis malupit ikaw na! uwi na si mamaya na ang date mo:)

Hahahahha. Natatawa po ako sa comment mo. Bakit kasi mahilig din sa sandals si Gerald. Sayang at gwapo sana. 😂
Paulit-ulit akong magpapasalamat sa inyo @sunnylife. Ang saya talagang maging bahagi ng steemitserye. 😂
Gusto ko mang maging straight na lalaki na si Gerald, pero na kay @mallowfitt na ang desisyon kung anong bet niyang kapalaran nila. 😄

Baka rebond ko nalang siya @jemzem hehe

Pwede ring i-rebond n'yo ang isa't isa @mallowfitt. 😂

walang anoman sis.basta masaya lahat rock n roll tayo!
hahahaha

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

You got a 6.62% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Galing mam @jemzem, dito pala kinuha ni @mallowfit. Lodi talaga.

Maraming salamat, @fherdz! Labo-labo na kami rito e. Damay-damay na talaga. 😂

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.