Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Di Mawari Ang Aking Nararamdaman

in #steemitdora5 years ago (edited)

Magandang buhay #steemitdora.

Nakakaloka pala yun halos wala ka ginagawa kundi kain, tulog, nood tv, mag internet, higa-higa naman, labas pasok ng bahay, labas pasok ng kwarto, nariyan matutulala na lang bigla na nakatitig sa kawalan, bigla na lang tutulo ang luha, maiiyak, tatawa naman mag isa, sisigaw na lang bigla, nabubuang na ata ako.

Nariyan mag antay na dumilim para matulog na naman, saka di na makatulog sa oras ng pagtulog, saka luluha na rin bigla, tatawa ulit, pero kahit papaano hindi pa rin nakakalimutan magpasalamat sa mga biyayang natatanggap araw-araw.

Salamat sa Diyos at hindi ako natutuluyan mawalan ng tamang pag-iisip. Kahit papaano nalalampasan ko pa rin kahit mag-isang hinaharap ang buhay. Salamat sa Diyos at ako'y Kanyang ginagabayan.

Sana maging maayos na ang lahat. Kaya natin to! Malalampasan natin to. Kasama natin Siya sa lahat ng pagsubok atin kinakaharap.