Inaanyaya ko ang lahat na mga Pilipino Steemians na ibahagi ang nilalaman na ito sa lahat! Sa inyong facebook at sa lahat na mga social media na ginagamit niyo.
To all Filipino Steemians, I encourage you to share this content to everyone! To your facebook accounts and to all social media that you're using.
This is the Filipino Version of You should join Steemit. Here is why. made by @timcliff. And with his permission to translate it, I'm very pleased and would like to say "Thank You!"
Ang Iyong Halaga
Ilang oras sa isang linggo ang ginagastos o nilalaan mo sa social media? Gaano na kadami ang nakuha mong pera sa mga nilalaman mong nagawa, nabahagi, mga kumento, at mga nagustuhan sa mga social media na ito? Kung hindi mo alam na magkakapera ka sa mga ginagawa mo sa social media gaya ng mga bidyo na nilalagay mo sa Youtube, siguradong wala kang alam na ginagawa mo yan ng libre sa iba pang social media.
Sa tingin mo ba na may halaga ang mga nilamaman mong ginagawa, oras at atensyon na binibigay sa mga social media? Ang Facebook ang pinakamalaking halimbawa nito. Kumikita sila ng bilyones taon-taon dahil sa mga patalastas o mga advertisements. Saan nanggagaling ang halaga na yan? Galing yan sa inyo- mga taong gumagamit.
Steemit.com
Alam ng Steemit na ang iyong mga gawang nilalaman, atensyon at oras ay may halaga. Kaya binuo ang isang maka-rebolusyonaryong social media na nagbibigay ng halaga sa mga taong gumagamit nito. Binabayaran sila dahil sa mga nilalaman nilang may halaga na inilalathala sa Steemit.
Marunong kabang gumawa ng meme? Nakagawa ka na ng isang bidyo na nag-viral? Ilagay or i-post ito sa Steemit.com, at baka sakaling kikita ka ng limpak limpak na pera! Kahit na ang iyong mga nilalaman ay hindi ganoon kaganda sa iilan, bawat katha mo ay may potensyal na kikita ng pera.
Video Credit: @donkeypong, @steemship, @liberosist, @hanshotfirst, @kevinwong and @the-alien
Ano ang ipopost?
May mga litrato kaba at isang magandang kuwento tungkol sa party na naganap kamakailan na gustong ibahagi? Nakumpleto mo ba ang iyong napakagandang proyekto at gusto mo itong ibahagi sa iba? Isa kabang magaling na awtor sa pagsusulat ng mga maikling kuwento, at gusto mong ibahagi ang mga nobela mo sa buong mundo? Lahat ng ito ay puwede mong ipost o ilathala sa Steemit.com!
Binabahagi ng mga tao ang mga nilalamang ito sa Steemit gaya ng ginagawa nila sa ibang social media. Ang kaibahan lang ni Steemit sa ibang social media ay nagbabayad ito.
Binabayaran ka rin sa pag-kumento at pag-boto!
Hindi mo kailangang gumawa ng nilalaman para kumita. Kung nilalaan mo yung oras mo sa paghahanap ng mga nilalaman at binoto mo ang mga ito dahil nagustuhan mo(tinatawag na "upvoting"), kumikita ka rin sa ginagawa mo. Kumikita ka ng pera na bahagi o galing sa katha na iyong binoto.
Kikita ka rin sa pagbibigay kumento sa ibang katha na galing sa ibang tao. Ang mga taong nagbibigay ng kumento na may halaga o nakadagdag ng halaga sa pangunahing katha ay nakakakuha ng mga boto sa ibang bumabasa at nababayaran din!
Hindi "madaliang kita" ang Steemit
Kahit na may malaking potensyal na magkakapera ka sa Steemit, hindi ito makakayaman sa'yo sa maikling panahon lamang. Halos lahat ng gumagamit nito naglalaan ng mga araw o mahigit pa sa plataporma. Nilalaan nila ang oras sa pagbibigay ng halaga sa sistema na hindi muna iniisip ang pagkita. Ang mga bagong tao na gumagamit nito ay hindi dapat umasa na kikita agad-agad. Walang sinuman ang magkakapera dito na sigurado.
At karamihan sa mga tao dito na binubuhos ang lahat ng atensyon para magbigay ng halaga sa bawat segundo ay napapansin ng iba at nabibigyan ng pera ng buong kumunidad.
Pangkalahatang Kumunidad
Nagbibigay ng ganti ang Steemit sa mga personal na reaksyon at nagbibigay lakas sa mga indibidwal para bumuo ng mga bago at makabuluhang relasyon na nakabase sa mga naibahaging ideya. Ang iyong relasyon ay puwedeng maging pangkalahatan o makamundo at nakabase din yan sa mga paksang naaayun sa iyong panlasa at sa iba.
Source: @lukestokes
Teknolohiya ng Blockchain
Binibigyan ng lakas ang Steemit.com ng blockchain na gaya ng bitcoin. Lahat ng nailalathalang katha sa Steemit.com ay nakalista at hindi mabubura sa Steem blockchain. Walang sinuman ang makakagawa na maitanggal ang mga nilalamang nailathala na sa kadahilanang di nila gusto ito. Yan ang nagagawa ng Steem blockchain.
Magkatulad ang blockchain ng Steemit at bitcoin sa mga ilang bagay. Ngunit, mas mahigit pa ang Steem blockchain dahil sa bilis na tinataglay ng teknolohiyang ginagamit. Ang Steem blockchain o tinatawag nilang Graphene 2.0 ay mabilis mag-proseso ng mga transaksyon. Sa tatlong segundo lang nakukumpleto na ang isang transaksyon na nangyayari sa Steemit.com at ang napakaganda pa nito, ay wala itong bayad sa bawat transaksyon na nakukumpleto. Basahin ito para sa iba pang impormasyon.
Ano ang may halaga?
Ang nilalaman na may halaga ay nakadepende sa mga taong nagbibigay dito ng halaga. Lahat ng mga taong gumagamit ng Steemit ay may kakayahan na bumoto ng mga nilalaman na gusto nila at ang plataporma ang nagdedesisyon kung sino ang babayaran na base sa mga boto na nakuha nila. Ang dami ng boto o "upvotes" na nakukuha ng isang nilalaman o awtor nito, ay may katumbas na kita. Ang boto na galing sa mga taong may mahigit na impluwensya sa Steemit.com ay may halaga na maibibigay na mahigit pa sa iba.
Image credit: @voronoi
Binabayaran
Ang mga taong nasa Steemit.com ay binabayaran na dalawang magkaibang digital currency tokens na tinatawag na STEEM at Steem Dollars. Ang dalawang token na ito ay may tunay na halaga na katumbas ng totoong pera gaya ng bitcoin. May option ang mga taong nasa steemit.com na makuha ang pera galing sa steemit at mapapalitan ng totoong perang papel. May option din sila na likopin ang mga token na ito at magbabasakali na tataas ang kanyang halaga kontra sa perang papel. Maaari din nilang gamitin ang mga tokens na ito para maitaas nila ang kanilang impluwensya sa plataporma, tinatawag itong "power up". At dahil diyan, lalaki ang kanilang puwedeng kitain o halagang puwedeng maibigay sa iba.
Pag-iinvest
Ang mga taong gumagamit sa Steemit.com ay may option na bumili ng STEEM na kung saan ang halaga nito ay maaring tumaas o bumaba. Ngayon ang isang STEEM ay may halagang katumbas ng $1.30 na nakalagay sa panloob na merkado o internal market na nasa Steemit.com mismo. Ang pinakababang halaga na naabot ng STEEM ay $0.08 at ang pinakamataas naman ay $4.34. Ang Steemit.com ay nakatayo sa loob ng isang taon o mahigit pa at may nakita nang mga pag-unlad sa loob ng sistema.
Ang Bitcoin ay nakatayo ng mahigit pa sa Steemit.com at ang halaga nito ngayon ay nasa $4200 bawat isang piraso. Kung lahat ng tao ay iniisip na ang STEEM at ang Steemit ay may potensyal na lalaki, lalaki din ang halaga nito. Isipin niyo na lang kung ang halaga ng bitcoin ngayon ay magiging halaga ng STEEM sa susunod na mga taon.
Gusto mong matuto ng marami?
Kung gusto mong matutunan lahat kung ano ang mga mahahalagang impormasyon sa Steemit.com at kung paano ito gumagana, makikita mo ang mga sagot sa mga karaniwang katanungan mo dito: FAQ
Magsimula Ngayon!
Ito ay isang daang porsyentong libre na mag-post, mag-kumento, at bumoto ng lahat ng mga nilalaman na nasa Steemit.com. Ang pag-gawa ng isang account ay libre. I-click ang "Sign Up" para magsimula!
This post recieved an upvote from ryankofi. If you would like to recieve upvotes from ryankofi on all your posts, simply FOLLOW @ryankofi
Thank you for sharing...
:arrow_right:
upvoted and followed. follow me back! :) #steemph
Tama. Hindi sayang ang oras sa Steemit.
This post is great! Mabuhay ka Pilipino! Join Steemit and speak your mind!