Sa ngayon, hindi naaayon ang paggamit ng Power-up Option
Sa halip na Power-up option :
Gamitin mo ang 50-50!
Maraming mga kawalan ang maidudulot kung gagamit ka ng Power-Up (100%) option sa ngayon. Oo, ang pagpower-up ay isang mabuting gawi, ang gusto kong iparating sa inyo ay kung papaano ninyo ma-maximize ang inyong mga kita at mas mabuting gawin kung gusto nyong magpower-up. Hayaan nyo akong ibahagi ang aking pananaw sa bagay na ito.
Ang mga rason kung bakit hindi naaayong gumamit ng Power-up option sa ngayon ay dahil sa dalawang rason : Ang presyo ng Tokens na natatanggap natin - and STEEM at SBD.
STEEM
Ang STEEM ay ang token na kailangan natin para magpower-up. Kung gusto nating magpower-up, bumibili tayo ng STEEMs galing sa ating bitcoins o SBD gamit ang currency market at gamitin ang power-up option sa ating Steemit wallet.
Ngayon, bakit naging rason ang Steem para hindi tayo gagamit ng power-up option? Dahil ito sa presyo nito na naglalaro sa $4 hanggang $6 ang presyo kada Steem. Ang value ng Steem ay nakakaapekto ng malaki sa Steem Power na makukuha natin kung magkakapay-out na ang ating mga posts. Kung nakikita ninyo na tumatanggap kayo ng maliit na SP sa inyong mga payout ngayon kaysa sa SBD, dahil ito sa presyo ng Steem sa mercado (market) na naglalaro sa $4-$6 kada piraso. Ang ating Steem Power rewards ay nadedetermina sa dolyares na value nito sa ating post payout. Kalahati ay mapupunta para sa Steem Power at pagbabasehan sa 3-day average value ng Steem sa merkado. At dahil mataas ang presyo ng Steem sa market, maliit ang matatanggap natin na Steem Power.
Steem Dollars
Ito ang pinakaunahing rason, dapat nating i-maximize ang iyong kita. Ang Steem Dollars ay US-Pegged Tokens, dahil dito ang Steemit ay kinokonsidera nila ang SBD na $1.00 only kahit ano pang presyo nito sa merkado. At dahil nasa $7 ang presyo nito sa Market, para naring naging 7x ang iyong kita!
Gamitin natin ang Math (Bakupan natin)
Gawan natin ng simpleng komputasyon kung bakit kailangan nating 50-50 Option sa halip na gagamit tayo ng Power-up Option kung gagawa tayo ng post. Maglagay tayo ng halimbawa ng $100.00 (exact) sa post payout sating mga sulat.
Post Payout
$100.00
Authors Reward : $75.00 (Approximately)
Curators Reward : $25.00 (Approximately)
At Kung gagamit tayo ng Power-up Option
Kung power-up, lahat ng makukuha natin na kita ay naka Steem Power* lahat diba? At gagamit tayo ng $6.00 na presyo ng Steem sa external market (ito ay base sa 3-day average external value ng Steem).
May Author's Reward tayo na $75.00 at dahil ang Steem ay $6 kada isa, kaya magiging $75/6 = 12.5 STEEM POWER lang ang makukuha natin sa ating Power-up post diba?
12.5 STEEM POWER kung gagamit tayo ng Power-up Option
Kung gagamit tayo ng 50-50 Option (50% SBD | 50% SP)
Ang author rewards ay mahahati sa kalahati, $75.00 i divide natin sa dalawa kaya $37.50 kada isa. Ang value ng STEEM ngayon ay $6.00 kada isa sa 3-day average period na presyo nito. Kaya makakatanggap ka ng 37.5 SBD at 6.25 Steem Power.
Isipin nyo ito, ang SBD ay nasa $8.00 (halimbawa lamang) kada isa at ang Steem ay $6.00. Kaya kung iconvert nyo ang SBD's at STEEMs para magpower-up. 37.5 SBDs x $8.00 kada isa = $300.00 at kung gusto mo itong i convert sa pamamagitan ng Steem, makakatanggap ka ng 50 STEEM!
6.25 + 50 = 62.5 STEEM!
Napakalayo sa STEEM (SP) value kung gagamit tayo ng power-up option na naglalaro lamang sa 12.5. May malaking deperensya ito sa dalawa. Parang 4.5x ang iyong natanggap kaysa mag power-up ka!
Kaya ngayon, tatanungin kita | 50-50 SBD o Power-up?
Nailagay ko na ang aking mga dahilan kung bakit hindi naaayong gumamit ng power-up option ngayon. Maraming salamat :)
Kung may mga komento o katanungan kayo sa sulat na ito, wag mahiyang ibahagi sa sulat na ito. Marami kaming nag-aabang na matuto! :)
Choese right decsion for happy way
I would love to see this post in English! Are you planning to do so are can you send me to similar content in English? I'm totally lost here at steemit and don't now what to do with my steem dollars at all.... I bought steem but was it the right choice? I have no clue at all... 😂 Definitely a dummy...
Napaka-informative! gusto kong matuto.
Oh..Nag power up ako ng 3 post ko since yesterday. Anyway, maliit lng nmn yung kita ko sa mga post na yun pero sayang din. Cge sa susunod na post mag 50/50 na ako. Salamat sa advice. This is an eye opener.
Obviously, newbie pa po ako. LOL
now i know
Now you know master Kin 😂
Galing mo @jassennessaj! Kahibaw na ko sa reason ngano diay :)
Aww. Such an honor to hear those words from you @thegaillery!
You deserve the credit for this post :)
Thank you for sharing this post po. Ngayon mas naliwanagan na ako. Maraming salamat :)
Nice! Salamat sa explanation na to. Malaking tulong.
what you can translate in english,
thanks for this @jassennessaj :)
Very helpful post specially for a newbie like me :)
Wow. Thanks for sharing this. You did explain well. ANd many fellow filipinos will learn from this. Will Resteem it :) Salamat.
Thank you for sharing your idea, informative!
#Following kaibigan