Napaglaruan ka na ba ng tadhana?
'Yong tipong pinagtapo kayo pero hindi pwedeng maging kayo?
'Yong tipong ang saya-saya mo pero may nawasak ka na palang puso?
'Yong tipong akala mo nag-iisa ka sa kanya pero may isa pa palang umaasa na siya lang, siya lang ang nasa puso niya?
'Yong tipong gumagawa na kayo ng plano, yung plano na katulad ng ginawa niya dun sa isang tao na mas nauna pa kesa sayo?
Oo alam ko, alam ko na ang totoo.
Alam ko na may nagmamay-ari na sayo bago ako.
Alam kong mali pero nanatili pa rin ako.
Alam kong naging makasarili ako pero nanatili pa rin ako.
Alam kong may nasasaktan ako at nawawasak na buhay dahil sa kagagahan ko pero nanatili pa rin ako.
Nanatili ako kasi akala ko, ako 'yong pipiliin mo.
Akala ko mahal mo 'ko tulad ng sabi mo.
Akala ko kaya mo siyang ipagpalit sa tulad ko.
Pero di pala...
Ako lang pala ang nakakapit sayo.
Ang nakakapit sa relasyong akala ko binuo natin pareho.
haha... nakakatawa...
Nakakatawang isipin na dahil sayo naging ganito ako.
Naging matatag, matibay at manlalaro.
Manlalaro sa larong sinimulan mo.
Larong minsa'y iniyakan ko.
Larong ang nakataya ay PUSO.
Larong manloloko lang ang nananalo.
Siyanga pala, meron na akong bago.
Bagong katulad mo.
Ang dami n'yo pala no? Ang dami n'yong manloloko.
Ang dami n'yong sinasabi makuha lang ang gusto.
Ang dami n'yong pinapangako na animo'y isa kayong santo para sambahin ko.
Gago, kabisado ko na mga linya n'yo.
Minsan nga hinahangad kong maging kalaro ka,
Para makita mo na di na ako tulad ng dati na madaling mabula.
Di na ako tulad ng dati na napakalambot, napakagaga at napakatanga.
Di na ako tulad ng dati na kayang isuko ang bataan para di ka mawala.
Sayang diba? Muntik na sana.
Muntik mo na sanang makuha 'yong inaasam mo'ng nasa pagitan ng aking mga hita.
Pero ngayon manigas ka!
Hangga't di mo ko maihaharap sa dambana, di mo ito makukuha.