My Sentiments (Ang Aking Sintemyento)

in #sentiments7 years ago (edited)

Sino ang maysabi na masarap ang buhay sa ibang bansa?
Alam nio ba na sa totoo lang mas masarap pa rin mamuhay sa Pilipinas?
Bakit?
Dito, nagtitiis ka din. Nagtitipid ka kahit gusto gusto mong bilhin yung mga bagay na pinapangarap mo at kahit nagtatrabaho ka naman.
Magtatrabaho ka kahit halos himatayin ka na sa pagod dahil hindi ka pwedeng basta basta umabsent sa trabaho. Kelangan mo magtrabaho kahit hanggang linggo pa. At kung may extra ka pang time eh mag double job ka pa. Triple pa ang iba.
Walang holidays, pasko, bagong taon, valentine, holy week etc etc. Ultimong birthday mo makakalimutan mo na dahil busy ka sa pagkayod.
Wala ka ng time halos sa bahay, sa pamilya mo kung kasama mo man sila.

Eh bakit nga ba kasi?
Kasi madami kami utang na binabayadan dito. Upa sa bahay, tubig, kuryente, telepono, internet, cable. Swerte ka kung ang binabayadan mo ay sarili mo ng bahay at lupa dahil pagdating ng ilang taon ay matatapos ka din.
Isama mo pa pinoy tv at TFC para naman di namin mamiss ang Pinas.
Magbabayad ka ng monthly due ng sasakyan na inutang mo lang, isama mo pa insurance.
Siempre, kakain din naman kami. Kayo lang ba? Bibili kami ng pagkain, tubig, gatas ng mga bata, diaper at mga personal naming pangangailangan.
Kung magkakasakit pa, mahal ang check up. Swerte mo kung may free health insurance ka.

Meanwhile sa Pinas, sumakit lang tiyan mo, aabsent ka na.
Birthday mo kaya di ka papasok.
Holiday kaya uuwi ka ng probinsiya o mamamasyal.
Di mo kailangang umupa ng bahat kasi nakikitira ka sa parents mo, libre o may share ka lang sa expenses sa bahay ninyo.
Kada sahod nakakain ka sa labas oh di kaya’y nakakapanuod ng sine o di kaya’y gagala kasama ang tropa.
Antay lang ng padala ng kamag-anak sa ibang bansa kasi may pangangailangan ka.

Pero alam nio ba kung bakit kami nagtitiis dito? Kasi andito ang mas magandang kinabukasan na hanap namin kapalit ng hirap at pagtitiis.
Kaya kayong nasa Pinas na nagiisip na masarap ang buhay dito, maling mali po ang iniisip ninyo.
Kung may kamag anak man kayo sa ibang bansa, wag isipin na pinupulot lang ang pera dito dahil hirap at pagod at gutom ang katumbas nian.

Kung umuwi man sila ng Pilipinas, hindi ibig sabihin na madami silang salapi.
Gusto nila magpahinga, mag-enjoy at... namimiss nila kayo. 😊