Masakit Mawala Ka, Sa Estudyante Lalo Na | A Filipino Poem

in #school6 years ago

Image Source | Reader's Digest

Bilang estudyante, masakit na isiping nawala ka na naman.
Hindi ako sigurado kung paano haharap
Sa mga pagsubok at pagsusulit sa araw na ito
Na kung papayagan naman ay ipagpapaliban ko.

Image Source | So Close to Freedom

'Pag nagkamali ako, wala ka.
Paano ito maitatama? Paano na?
Naging madumi at makalat ang aking mga papeles
Mula nang ikaw nawala nang hindi nagsabing aalis.

Image Source | Depositphotos

Kaya mga estudyante--may-ari man o humihiram,
Mag-ingat kayo at makiramdam.
Sa panahong ito, mahirap na mawalan ng pambura
Sa lapis man o ballpen, dahil presensiya lang nito ay nakakagaan na.

Image Source | Heartless Machine

🔍🖊📓✏️📓🖋📒✒️📚🖍📖🖌📝🔎


Naalala ko lang ang karaniwang nangyayari sa klase namin noon--elementary man o high school--na ang pambura mo ay hinihiram na pambura na ng buong klase. 😂 'Yun nga lang, 'pag nawala na, hindi na malaman sino ang huling nanghiram. Wala kasing umaamin. Pero nagkakaro'n uli ng mga manghihiram 'pag nalaman na may isang kaklase na may bagong pambura. Hahaha.

Nangyayari o nangyayari na din ba sa klase niyo ito? 😅

Salamat sa pagbabasa ng tulang ito! 🤗

Sort:  

Mabuhay ka, Dana! Huwag kang titigil sa pagsusulat.

Maraming salamat, Daniel! Ikaw din! :)