First International Travel Experience

in #real7 months ago (edited)

Share ko yung unang sabak ko sa international pageant este flight pala. Unang labas ko ng bansa pak Englatera agad.

10pm palang nasa NAIA na ako akala ko kasi 12midnight ang flight ko, 12nn pala shuta ang ante niyo excited yarn 😂

Wala na akong nagawa tutal dala ko na mga gamit ko, tapos umalis na yung mga naghatid sakin, kaya natulog nalang ako ng nakabaluktot sa upuan sa airport. Next morning early bird ang ante niyo unang una sa pila. Dala ko ang mga documents ko kasi mahigpit daw sa immigration ng NAIA ayon sa chismis.

Swerteng swerte ata ako that day, at natapat ako sa naka one liner ang kilay sa immigration. Sa tapat na ko ng counter muntikan na ako mag order ng papaitan ang pait kasi ng aura ni ateng mukhang di ako makakasakay ng airplane.

Totoo ang chismis mga vakla napakadami niyang issue.

Dahil sobrang bilis ng love story namin, baka raw matagpuan ako sa freezer gaya ng ibang mapupusok sa pag-ibig ng afam. Pero natural push ako handang handa na ako kaya hindi ko hahayaang siya ang magpapatikop kay Melchora Aquino.

After almost 2 hours ng walang ka-kwenta kwentang check ay pinakawalan din niya ako

Phew! so this is it pansit ang lumpuhan ng taon! Come on daddy light my fire 🔥

Nagbanyo nga pala ako sa eroplano.

Shuta ante scary humihigop ng tanga. Bakit kaya ganun, walang tubig hindi ako kampante feeling ko may sasabit na sumpa kaya pinigilan ko, kahit na butil butil na ang bawis ko. Nagbanyo lang ako after ng meal, may dala na akong bottled water pang buhos at panghugas ng keps ako pa ba 🤣

(PS hindi ako natulog kasi sabi ng katabi kong dalok na kapag nalagpasan daw ng rasyon ng pagkain, wala kanang kakainin)

Dumating ako matapos ang ilang oras na byahe sa England, marse wala pang 10 mins nakalabas na ako napaka Straightforward pala talaga ni Miss Minchin.

Andun ang mister ko para magsundo at may dalang roses sa paso, don't worry tumagal naman yun ng 3 years bago nalanta ng tuluyan yung halaman. Ngunit ang pag ibig ni Jowa ay talaga namang pitong taon nang sagana charot.

The end😂

FB_IMG_1718495261303.jpg

Sort:  

WAHAHAHAHAHAHA! Hoy tawang tawa ako, enebeeee, hahahaha. Sa hinaba haba buti nalang nakalipad ka rin salamat sa anteng one liner lang ang kilay HAHAHAHA. At sana all sa pitong taon nyo ni juwa, abah. When ba namin mararanas ang ganyan 🤧🤧😆😆😆😆

Congratulations @antefunny! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 10 upvotes.
Your next target is to reach 50 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out our last posts:

LEO Power Up Day - June 15, 2024

Aww thank you 😊

You're making waves @antefunny! Your first upvotes on Hive are already making an impact. Keep spreading the buzz!

Hey there.. you made my day.. tawang tawa ako sa first international experience mo 🤣🤣🤣ang swerte mo Naman naka bingwit ka ng Afam, Englatera agad haha .
See you around !LADY

View or trade LOH tokens.


@jane1289, you successfully shared 0.1000 LOH with @antefunny and you earned 0.1000 LOH as tips. (3/11 calls)

Use !LADY command to share LOH! More details available in this post.

Thank you po for reading my post 😊

Ginalingan ko talaga wala nga akong passport kumuha lang ako 1 month bago ako lumipad 🤣

more pa ante. hahaha!

Haha enjoy nga alo magpost ante 😊

HAHAHHA panalo! Taas na taas ang bandila ng Pinas sa AFAM.

More to come sa mga ganitong post ang sayang basahin.

Hahaha salamat po for your support and take time reading my posts 😊

Nakatutuwa kayong magsulat. Very engaging. Keep it up!

Grabe, 2 hours sa immigration, buti di kayo naiwan ng eroplano hehe. Does that mean next flights mo would be easier, or dadaan ka lagi sa butas ng karayom? I hope not.

I was at the airport overnight kaya naman unang una ako sa pila 😂
Sunod na harap ko sa immigration may british passport na ako kaya easy nalang 😁😁😁