DMRYGA

in #random6 years ago (edited)

IMG_20180517_180208.jpg

Tang ina. Oo tang ina talaga, pano ba naman ikaw nalang kasi naiisip ko. Ung tipong bago ako matulog, pagkagising, pag may ginagawa o kahit ano pa man, nahuhuli ko nalang ung sarili kong iniisip na pala kita futa 😂. Tapos natatawa nalang ako naiisip nanaman pala kita. 😂

Kasi ilang araw na tayong di naguusap diba, ilang linggo na. Sa mga araw na un wala akong ibng sinasabi sa sarili ko kundi "wag na kita isipin" "wag mo na isipin un nakalimutan kana nun" wag mo na isipin un masaya naman na sya", "wag mo na isipin un, wala ka namang kwenta para sakanya".

Though i want to enjoy this while im feeling like this. Ung tipong di ka talaga maalis sa isip ko kasi I'm sure one day, may papalit din sayo. Kumbaga distraction na magiging un na ung lagi kong iniisip na.

Ganun karin kasi dati sakin, nung una wala ka ng lang eh, ni hindi kita napapansin hehe. You seem so ordinary for me. Hanggang sa naging distracted ako sayo hehe. Iba ka eh, sobra kong nadistract sayo. Yung mga paramdam mong gusto mo ako. Hanggang sa nagkagusto narin ako sayo.

Kaso pakiramdam ko bitag un eh lol. Kumbaga kasi iniwan moko sa ere. Yung feeling na sobra ka ng nafall tapos biglang ayaw na nya. Biglang gusto na nyang bumalik sa dating kayo. Kasi in the first place, may jowa naman talaga sya.

Ewan ko nga ba bakit ako sobrang nahulog sayo. Ewan ko din kung bakit lahat lahat ng tungkol sayo gusto ko. Siguro tama ka sa payo mo nun sakin na di ito matatawag na "gusto" lang. Siguro nga mahal na nga talaga kita.

Pero siguro eto ung pagmamahal na matatawag na unconditional. Ung pagmamahal na parang sa magkapamilya. Kasi masaya ako kung saan ka masaya. Masaya akong makita kang masaya kasama ng iba kahit deep inside gusto kong masaya ka kasi ako kasama mo. Alam mo yung feeling na no choice ka kundi maging masaya para sakanya kasi un lang ang kaya mong gawin. Hehe.

Pero masasabi kong sa mga sandaling ito, gusto kong maging akin ka. Gusto kong ako ung dahilan bakit ka masaya. Gusto kong ako ung dahilan ng mga pag ngiti mo. Gusto kong ako ung taong mahal na mahal mo. :'(

at futa naiyak nako sa mga sandaling ito lol.

Pero ayun nga. Mahal kita unconditionally. 😊 masaya ako kung saan ka masaya at magiging masaya. Nandito lang ako palagi support sayo. Kakampi moko palagi hehe. Tsaka sorry kung nagustuhan kita. Di ko naman sadya talaga eh sorry na haha. And i don't regret anything mula kung saan nagumpisa ang pagkagusto ko sayo hanggang sa ngayon na gusto parin kita kahit anong pigil ko hahaha.

And i want to say Thank You. Salamat kasi kahit papano pinaramdam mo din na mahalaga ako sayo. Kahit papano naramdaman kong gusto mo din ako. Salamat sa mga sandali na un kasi isa un sa mga moments sa buhay ko na nagi g masaya ako. Ung matatawag na genuine happiness. Salamat. 😊

More memories to come satin sana. At sana kasama ng memories na un ung bilang ako na bumalik na sa dati. Bilang ako na kaibigan mo. Bilang ako na wala ng gusto sayo. :)

08/03/18 4:46pm