Dumi ng Politiko
By: @christyn
Gusto kong maglingkod sa mga mamamayan
Lalong-lalo na sa kabataan
Gagawa ako ng mga programa
Na para sa kaginhawaan nila.
Kaya pumayag na maging ka-partido
Ng isang malaking grupo ng politiko
Tiyak raw ang aking panalo
Kung sa kanila ako ay maging myembro
Sa simula ay okay naman
Humingi lang sila ng aking pangalan
Dapat daw mamahalin ng bayan
Yong tipong hindi makakalimutan
Ginawa ko ang aking mga plataporma
Listahan ng aking magiging programa
Kung sakaling akoy palarin
Na magserbisyo sa barangay namin.
Araw ng halalan ay palapit nang palapit
Dumi ng politiko ay kumakapit
Ang kapartido ay nagmungkahi
Upang siguradong magwawagi
Kung gusto ko raw na ako’y mapili
Boto ng tao ay kailangan mabili
Hindi ako sumang-ayon
Ngunit ang umiwas ay di solusyon
Sila ang bumili ng boto, hindi ako
Sila ang mga manloloko
Ngunit ako ay kanilang nagamit
Sakim sa kapangyarihan, kanilang nakamit
Ilang ligo man ang aking gagawin
Dumi ng politiko ay nasa akin parin
Hindi ito ang aking hangarin
Simula palang, napasama na rin.
Welcome back ate @christyn!
Na miss namin ang mga tula mo.
Tama nako sa dumi masyado ng pulitika natin, kahit yung mga nais talagang maglingkod ng tapat nadadamay.
Yung mantsa na iniwan ng nakaraang eleksyon ang magiging parang turning point ng isang naluklok. Ngayon kailangan nyang patunayan na nararapat siya sa boto ng tao.
Kung talagang matuwid siya, unti-unti malilinis nya parin ang pangalan.
Mahirap pero doable :)
Gusto ko sanang araw-arawin
Ang pagsulat ng tula para sa atin
Ngunit minsan maraming ginagawa
Minsan rin ang utak ay wala
Ngunit akoy lubos na nasiyahan
Sa pagbating hindi inaasahan
Ikaw at mabuting kaibigan
Tagalogtrail ikaw ang sandigan
Hanggang sa susunod! 😊😊😊
Congratulations @christyn! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP