Filipino Poetry #01 " Masama Bang Gumanti?"

in #poetry7 years ago

Sa paglipas ng mahabang panahon
akin pang naaalala
Nang una kang makita sa opisina
puso ko'y sumigla
Natupad ang aking pangarap
na maging tayo sana
Araw araw tayong masaya
ngunit bakit nagbago ka?

Isang araw lubos kong ikinagulat
isang kaibiga'y lumapit
Ang sabi "Ang mahal mo'y may bitbit
bulaklak para sa kaibigan mong malapit
Sa pagkakatayo'y napaupong pilit
dahil sa sobrang sakit
Isang katanungan ang aking kinikipkip
"Bakit?"

Sa tanong kong "bakit"?
apat na salita ang sinabi
"Hindi na kita mahal" nabasa sa labi
nagmakaawa ang pusong sawi
Binigay ko ang lahat
tapos ito ang iginanti
Napuno ng galit
O kay sarap gumanti!

Lumipas ang mga taon
hindi na muling nagmahal pa
dahil nabuhay sa takot
na baka maulit pa
Ngunit bakit ngayo'y
nagpaparamdam ka
Hindi mo ba naisip
kung ibalik ko sayo lahat ng sakit!

Nabuo ang aking pasya
na ikay muling tanggapin pa
Hindi upang mahalin ka
para iparamdam na mali ka
Ipinakitang mahal na mahal ka pa
ang totoo'y isinusuka kita
Ika'y umasa, sumaya, minahal ako tuwina
ngunit tatapusin ko na

Pakiramdam ko ako'y naging masama
tinulak ang sarili sa pagganti
Binabagabag ng aking konsensya
sa sulok natagpuan ang sarili
Umagos ang luha at ang namutawi
"O, Diyos masama bang gumanti?"

Salamat po sa pagbasa ng aking unang nilimbag na tula

larawan 1
larawan 2
larawan 3

Sundan nyo po ako sa @noime para sa mga susunod ko pang mga tula ng buhay.

Sort:  

Uwian na ....ginalingan eh!

Masamang gumanti! Patawarin mo na lamang sila iha... LOL!

Haha! ginagaya lang kita...

"If you would pursue revenge, make sure you're prepared to taste the dose of your own medicine." -[ don't know whom to quote it :D ]

you are right @hyandel ..

This post has received a 0.65 % upvote from @booster thanks to: @noime.