#02 Filipino Poetry - "Liham para sa Sarili"

in #poetry7 years ago

Kumusta ka aking sarili
ikaw na ba'y mabuti?
Iyo pa bang nararamdaman
ang mga kabiguan?
Napagtanto na ba ang mga kasagutan
sa iyong mga katanungan
Sa malupit na agos ng buhay
ikaw sanay makasabay

Hindi mawawala ang pagsubok sa buhay
Iyan ay upang subukin ang iyong tibay
Kayat magpakatatag ka't umalalay
Sa patuloy na pagikot ng buhay

Isipin mo ang 'yong nagawang kamalian
O sarili, maawa ka huwag mo ng balikan
Alalahaning lagi ang leksyong natutunan
Upang ang malas at tukso ika'y layuan

Ang mga kaibigan ang gawin mong takbuhan
'Wag din kalimutan ang pamilyang higit na kailangan
Ang tulong ng mga kaibigan ay may hangganan
Ngunit ang pamilya'y walang katapusan

Mga magulang mo ika'y tinulungan
Kaya kung may oras ka sila'y puntahan
'Pagkat hindi mararating ang paroroonan
Kung ang magulang nati'y iiwan sa daan

Maraming salamat muli sa pagbabasa ng aking pangalawang nilimbag na tula!

sundan nyo po ako sa @noime para sa mga susunod ko pang tula ng buhay.

Imahe

Sort:  

Awww... [comment made while customer on hold :D]

oh! so you are a call center agent? So are you using proxy my kabayan? hehe

thank you for visiting again.

Ssshhh :)

This post has received a 0.61 % upvote from @booster thanks to: @noime.