FILIPINO POETRY: PINAGLALARONG PAG-IBIG

in #poetry7 years ago (edited)

brok.jpg
Image Source

Pinaglalarong Pag-Ibig

Laro. Laro. Laro.
"Halika't tayo'y maglaro"
Sabi mo sa tangang ako, at
Ako nga'y tanga, nakipaglaro.

"Habulin mo ako."
Iyan ay sabi mo nang bigla kang tumakbo
Habol ako ng habol,
Pero takbo ka ng takbo, di maabot.

"Laro tayo ng bato-lata"
Ako yung lata't ikaw ang tsinelas.
Binato mo yun sakin at
Ako'y napatumba sa sakit.

"Laro tayo ng piko"
Parang ako ang bato,
Ihagis mo lang ako sa isang tabi,
Tapos babalikan mo lang ako't pupulutin.

Laro ka ng laro!
Pati puso ko'y pinaglalaruan mo.
Sobrang sakit at pagod na iisipin ay
Laro lang sayo ang pag-ibig!



Maraming salamat sa pagsusubaybay. Maaari kayong magcomment sa mga opinyon nyo at sa inyong mga komento. Taos-puso ko pong tatanggapin ang lahat ng iyon.



@lunajey