Laban lang! Kaya Mo Yan :) /Tula

in #poetry7 years ago (edited)


Photo source

Sa halos lahat ng laba'y
Tila laging natatalo.
Pilit na lumalaban, pero,
Sa huli, nasasaktan lalo.

Pilit ipinaglalaban ang bukas,
Na wala namang kasiguraduhan.
Pilit na hinahanap ang lunas,
Na maghihilom sa sugat ng nakaraan.

Bakit ba gano'n?
Ba't ba ayaw nating bumitiw?
Nasaktan na noon,
Pero, pangarap ay di pa rin nagmamaliw.

Ito'y laging nananatili,
Ano man ang mangyari.
Pinapaalala sa sarili,
Na walang di maaari.

Kaya wag kang bumitaw,
Kapit ka lang lagi,
Asahang iyong matatanaw,
Minimithing bahaghari.

Kaya mo yan.. :)
Tiwala lang.
Lagi siyang andyan,
Pray ka lang. ^^~

Alam kong nakakapagod na,
Pero wag kang sumuko.
Fighting! 😊


Thank you for taking your time to read! Hope you enjoyed reading it! ^^~ God Bless!


Xoxo, Tomo-desu (/ ^_^)/~~


received_1541988635836187.jpeg

Sort:  

Fight lang ng fight.. 👍..upvoted

Yes yes yes! ^^ thank you @leslyfay! :)

TAMA! Laban lang tayo! ❤ This is very inspirational. Salamat langga. 😘

Hehehe. Kaya nga po no matter what laban lang! Hahaha Thank you po ate @lyxng! ^^~


kung ok lang sayo aheheheh..paki add nato si lyxng..gusto sya mag apil sa atong meet up?@lyxng puwdi nmo gamiton ang logo namo ahhehe..para promote steemitdavao ahehhe

asa ko makakuha aning logo @mrblu? 😀😀😀

fight lang! God is good, all the time!

Yes indeed! Thank you @iyam! ^^