Hello guys ✋. First time ko po mag post ng tula na nilikha ng mapaglaro kung isipan. Susubukan ko lang i-post at i share sa inyo.
PAALAM
Mga gabing nagdaan laging nasa isip ay ikaw
Ikaw na siyang pinangarap kong makayakap sa mga gabing maginaw
Ikaw na siyang paliligayahin ko sana araw-araw
At ikaw na siyang dahilan kung ba't mundo ko'y biglang nagunaw
Oo nagunaw, nawasak , nadurog nawala,
Akala ko mahal mo ako pero akala ko lang pala
Akala ko magiging akin ka pero nagmukha lang akong tanga
Pinagtagpo nga tayo, Oo pinatagpo pero hindi itinadhana
Pero Mahal hanggang sa mga sandaling ito,
pangalan mo pa rin ang sinisigaw nitong puso kong stupido
Stupido sapagkat Ikaw parin at Ikaw lang ang nilalaman nito
At sa pag-ibig ko sayo ako'y bilanggo
Pero napapagod din ako, Oo pagod na ako
Lalayo na ako kahit sobrang hirap nitong desisyon ko
Lilimutin na kita at magsisimula ng panibagong yugto,
Kasiyahan ko noon, kakalimutan ko na ngayon
Pagpasensyahan mo sana O Mahal ko
Kung hindi ako naging sapat para sa'yo
Lilisan na ako,bitbit ang ala-alang sabay nating binuo
Paalam , hanggang sa muli nating pagtatagpo.
Salamat po sa pagbabasa, medyo emote lang yung tula hehe pagpasensyahan niyo po sana 😊✋
Para kay maria 😥
Nge, grabi siya 😂😂😂
HAHAHAHA