Ang mundo’y umiikot
Sa maraming direksyon ng buhay
May mga taong naliligaw
Nalilito, ‘di alam kung san patungo
Maraming pasikot-sikot
Kaya’t humawak lang sa Kanyang kamay
Upang makita ang iyong tinatanaw
Nang sa kahirapan ay mahango
Minsan maginhawa
Madalas mahirap
Ngunit dapat kang magalak
Sapagkat mas pinagpapala
Ang mga taong kaawa-awa
Na walang ibang pinangarap
Kundi ang umahon sa pagkakasadlak
At matanggap ang Kanyang banal na pagpapala
Ang tao kapag may suliranin
Saka lamang nakaaalala
Walang humpay na panaghoy
Ang sinasambit ng mga bibig
Dapat po nating alalahanin
Sa tuwina’y magpapaalala
Wag lamang manalangin kung panaho’y
Hindi kaibig-ibig
Ang mabuting ugnayan sa Poong Maykapal
Ay nag-uumpisa kahit sa munting dasal
Panalangin na nagmula sa ating puso
Ang syang mananahan at magpapaibayo
PhotoSource
@pinterest.com
@larrywho.com
@canacopegdl.com
@theodysseyonline.com
Follow @khat.holanda23
Maganda at mahusay.. Ipagpatuloy mo lang po..
Salamat!
Mahusay. Upvoted
maraming salamat =)
Nice😄
Thanks for dropping by 😘
thanks for posting steemitdavao tags
keep steeming..steem on..Upvoted and resteem
Greetings From your steeemitdavao family.